KABANATA 2

1 0 0
                                    

Sanay na akong magising ng alas singko ng umaga upang mag-yoga. I taught myself to be  productive every day by waking up early, cleaning my body because, for me, this is our temple ,and doing yoga. I'm doing this routine daily to attract positive energy and cleanse my mind and soul for the positive beginning of the day.

Sa isang bahay kubo kami pansamantalang namalagi. Komportable at malawak ang kubo. May dalawa na ring kwarto at kasama ko si Selene sa kabila naman ay si Damby at Liam. Kumpleto na rin sa gamit kaya wala na kami iintindihin pa. Sakto at malapit ito sa dagat kaya doon ko napagdesisyunan na mag-yoga. 

Maaga pa kaya medyo malamig pa ang hampas ng hangin sa balat. Lalo pa at pink na sports bra at fitted leggings lamang ang aking suot.

Malapit dito sa dagat ang kubo na nagsisilbing quarter ng mga reserve army kaya feel safe talaga ako kahit solo lamang ako rito.

Inilatag ko na ang aking yoga mat sa buhangin sa may dalampasigan at nagsimula na ako sa aking gagawin.
Just a 30-minute cleansing at nakakadagdag din sa gaan ng pakiramdam ang tunog ng alon dito sa may dalampasigan. Pakiramdam ko ay nasa Puerto Galera pa rin ako. 

Dito ko na rin hinintay na sumikat ang haring araw. Umupo muna ako sa aking yoga mat habang pinapanood ang paghampas ng alon sa aking kinauupuan.

"Tea?" Isang boses ng lalaki ang umimik mula sa aking likuran.
Lumingon ako. "Liam? Ang aga mo, ah!" Sabi ko sabay abot sa tasa ng tsaa na dala niya."Thank you!" 

I do not drink coffee and for me a cup of tea can easily save my day. At sa tagal na naming magkasama ni Liam ay alam na niya ang mga ayaw at gusto ko. Maging ang nararamdaman ko.
Naupo siya sa aking tabi.

"Kanina pa akong gising. Pagkagising mo bumangon na rin ako," aniya.
"Talaga? I didn't notice that!" Sagot ko sabay higop sa tsaa.

"Yeah! Hindi na kita sinundan at alam kong cleansing time mo. You do not want to disturb, thou!" Sabi ni Liam.

"Good." Nakangiti ko namang tugon.
Maya-maya pa’y nagsimula ng mag-open ng topic si Liam.

"'Yung kagabi?" Tanong niya habang nakatingin sa malayo.

Nagtaka naman akong tumingin sa kanya.

"What was that?" Taas kilay kong tanong.

Bumuntong-hininga siya. "'Yung kay Chief? Nagloading ka kagabi, ah!" 
Lumingon siya sa akin. Nagselos siya alam ko at malakas ang pakiramdam niya sa ganito lalo pa at tungkol sa akin.

Napatawa na lang ako sa reaksyon niya. "Gagi! Wala 'yun. Na-shock lang ako dahil first time ko makakita ng sundalo," palusot ko.

"Ng poging sundalo ang sabihin mo!" Nagmistulang batang nagtatampo ang hitsura ni Liam.

"Gwapo ka diyan! Pero... oo gwapo nga--"

"Oh. Sabi ko na eh! ‘Di hamak naman na mas gwapo ako ro'n!" Banat niya.
"Sira ka talaga! 'Wag ka ngang gumawa ng issue. Mamaya may makarinig pa sa 'yo tapos maniwala." 

Sa kalagitnaan ng aming pag-uusap ay may tumikhim sa aming likuran.
For God's sake! Ang grupo ni Chief Grey.

"Ehem!" Tikhim ng isang army na naroon. 

Agad naman akong napabalikwas at tumayo mula sa aking kinauupuan. Marahan namang tumayo si Liam at tila hindi interesado sa mga naroroon.
"G-goodmorning!" Nakangiti kong bati sa kanila. Ramdam kong nag-init ang aking mga pisngi sa hiya.

Ngunit nakatingin lang sila sa amin. Hanggang sa napagtanto ko na naka sports bra lang pala ako at walang anumang pantakip sa katawan. 

"Chief! Pahiram mo muna 'yang tuwalya mo kay Miss February, oh!" Sambit ng isang sundalo kay Chief Grey na nakatingin sa malayo.

FEBRUARYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon