Chapter 1

25 7 0
                                    

Eiyesha's POV

"Mo-mom? Dad? Don't leave me, please." Nagmamakaawang saad ko kay Mommy at Daddy. They're leaving! No...

"Anak? Listen to Mommy, okay? Stay here and keep quiet."

"No, Mom. I want to go with you!" Naiiyak na saad ko.

Masyadong madilim ang lugar na ito, wala akong nakikitang kahit na ano maliban sa dilim lamang at nakakatakot ito.

"Eiyesha, please listen. It's too dangerous outside." Saad ni Daddy. Maya maya pa ay may narinig na akong putukan kaya napasigaw ako dulot ng matinding takot.

"Shhh, baby. Quiet please." Pagpapatahimik sakin ni Mommy.

I ca-can't, I'm too scared.

"Mommy, Dadd--" naputol ang sasabihin ko ng biglang may narinig nanaman akong putukan mula sa labas. Madilim kaya wala akong makita dito sa kwartong kinaroroonan namin. Dali dali naman akong hinila ni Mommy at pinilit ako nitong itago sa ilalim ng malaking kama.

"Stay here, Eiyesha. Tandaan mo na kahit anong marinig mo o makita mo ay huwag na huwag kang lalabas. Huwag na huwag kang aalis dito kahit anong mangyari." Saad ni Mommy at kasabay noon ang pagtayo niya.

Nagulat naman ako ng may biglang bumukas ng kwartong pinagtataguan namin at kasabay niyon ay ang pagbukas ng mga ilaw. Nang dahil dun ay malinaw kong nakikita na ang kanilang mga paa mula sa ilalim ng kama.

Maliban kila Mommy at Daddy ay meron pa akong nakitang mga paa, at marami sila. Maya maya pa ay narinig ko na ang sunod sunod na putukan kasabay nun ay ang pagbagsak ng mga katawan ng aking mga magulang sa malamig na sahig. Nakita ko kung paano dumaloy ang dugo sa parteng tinamaan sila.

Iyak lang ako ng iyak na walang boses na lumalabas sa mga bibig ko pero pagkatapos nun ay gulat akong napatingin sa taong nakadungaw at nakatingin sa akin mula sa ibabaw ng kama.

"Hello there, little Solace." Nakangisi nitong saad bago ako sinabunutan at pilit na inilabas sa aking pinagtataguan.

"Le-let me go!" Puno ng kaba kong sigaw habang hindi parin maawat sa pagtulo ang mga luha ko. Doon ko rin tuluyang nakita ang duguang katawan ng aking mga magulang.

"Mo-Mom? Da-Dad?" Pagtawag ko sa kanila ngunit wala akong nakuhang respond. Galit kong tinignan ang mga taong may gawa nito sa kanila. They're wearing a red masks with a dragon design.

"How dare you! How could you do this to them! I will kill you all!" I can feel the range building up inside me.

Bigla ko namang naramdamang namanhid ang aking mga pisngi dahil sa malakas na sampal na iginawad sa akin ng taong sumabunot din sakin.

"You can't do that. Know why? Because I'm gonna kill you first!" Kasabay nun ay may narinig na akong pagputok ng baril.

"Ah! No!" Napabalikwas ako ng bangon. Puno ng pawis ang buo kong mukha habang nanlalamig at nanginginig. Napatingin ako sa paligid at agad naman akong napanatag, nasa kwarto ko lang ako at madaling araw na.

Loving You In The Midst Of The DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon