Chapter 3

3 2 0
                                    

Gemina POV

I can't blame Yesha about her actions earlier, but shooting Khio is beyond boundaries already. Kasalukuyang nandito kami sa living room ng safe basement, ito kasing safe basement ay parang bahay din, tinawag itong safe basement dahil sa basement ng bahay na ito mismo namin ginagawa lahat ng aming plano. Sa safe basement din lahat ng mga kagamitan namin nakatago, gaya ng mga armas, bomba, kutsilyo at iba pang mga panlaban. At kung bakit safe yung tinawag sa safe basement? I don't know, si Yesha kasi ang nagpangalan nito, pero dahil siguro ay dito kami mas protektado.

"Okay na. Hihilom din 'yan." Saad ko ng matapos ko nang lagyan ng bandage ang braso ni Khio. Itinabi ko na muna ang first aid kit sa gilid.

"It's all Yesha's fault, she's always been like that. She doesn't know how to control her emotions." Naiinis na saad ni Servienna na agad namang sinagot ni Khio.

"Enough with it, Vienna. Alam naman natin na hindi naman ginusto 'yon ni Yesha." Napabuntong hininga naman si Servienna at mas pinili na lang na wag magsalita.

"You okay?" Tanong naman ni Peter kay Khio.

"Oo naman! Daplis lang 'to no! Minsan nga kapag napapalaban ay mas matindi pa dito." Sagot naman sa kanya ni Khio.

"Sure ka? Baka imbis na braso mo yung sumakit ay puso mo pa!" Natatawang sambit ng kakasulpot lang na si Zayn kaya napamura na lang si Khio.

Kapag talaga sila na yung nag uusap ay sila rin lang naman yung nagkakaintindihan.

"Wala pa ba sila Terro at Valeda?" Bungad ng kadadating lang din na Connor.

"Wala pa. Alam mo naman 'yang si Terro, kung saan nagsusuot." Usal ni Frida habang napapailing iling pa.

"Baka si Valeda ay nasa bahay pa nila Yesha, alam mo naman yung buhay secretary." Saad naman ni Violet. Lahat kami ay nasa living room na ng safe basement maliban kay Yesha. Baka mas pinili niya na munang manatili doon sa basement.

Sa grupong 'to ay labing isa kaming lahat, kasama na doon si Yesha.

Sa grupong ito ay hindi pwede ang mahihina. Marami na rin kaming away na na engkwentro, yung ibang kalaban pa nga ay mga miyembro pa ng Mafia, maliban doon meron din kaming naeengkwentrong mga organisasyon ng mga drug lords and mga business man na may mga illegal na gawain.

Pero hindi nila alam kung sino kami dahil sa oras ng digmaan ay tago ang totoo naming pagkatao. Kahit mukha ay hindi nila alam dahil kapag kami ay nasa trabaho ay meron kaming maskarang sinusuot para hindi kami makilala ng mga ito.

Let's just say, behind this pretty face is actually a best pretender. Sa aming lahat, ako kasi itong naituringang magaling magpanggap lalo na sa oras ng trabaho.

I actually have the most innocent face among us, but I am also the most conning woman. In terms of work, marami akong napapaniwala lalo na yung mga target kong criminal.

Pero magaling din ako sa pakikipaglaban, kaya nga merong kasabihang, 'don't judge the book by its cover' kasi sa mukha lang ako maamo pero hindi sa ugali.

"Let's just wait until Yesha recover from what just happened. Paniguradong sinisisi niya yung sarili niya ngayon." Saad ni Frida kaya napabaling kaming lahat sa kanya.

Mag gagabi na pala. Saktong nakita ko kasi sa wall clock yung oras, it's already 6:45 kaya medyo may kadiliman na sa labas. Kung madilim sa labas, mas lalong madilim sa basement, kahit nga umaga ay napakadilim doon kung hindi lang dahil sa ilaw eh.

Alam naman kasi naming lahat na sa lahat ng pinaka ayaw ni Yesha ay yung kadiliman kaya twenty four seven yung ilaw doon sa basement.

"Then I'll go to the restroom muna." Paalam naman ni Violet bago tumayo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 26 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Loving You In The Midst Of The DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon