Chapter 27

1.7K 67 13
                                    

Jersey

Kenji's

"Bye! Ingat kayo!" The twins shouted while waving at us before we get in my car.

"Salamat sa brownies!" Koji waves at them too while raising the container with brownies inside. Hanep 'tong kambal, may pinipiling bigyan.

"Ingat, Kenji!" Si Papa, todo kaway din.

"Opo! Salamat!" Tumango-tango ako at kumaway sa kaniya pabalik habang ang isang kamay ay nasa pinto na ng kotse.

Nakita kong magka-akbay pa sila Envo at Kole na kumakaway, nasa terrace sila kaya tiningala pa namin. Sila Koriks at Arik naman nauna nang umuwi dahil baka pagalitan daw sila ng tatay nila.

"Safe trip, love birds!" Envo shouted while pretending that he's about to cry.

"IPhone ha!" Si Kole na inirapan ko lang.

Hapon pa lang naman pero umuwi na kami agad. Baka kasi umuwi sila Red at Drei nang wala kami, at magtaka sila. It's enough for me na alam na ng family ko ang tungkol sa amin ni Koji, saka na sila.

Nang makapasok na kami sa kotse ay rinig ko ang paghangos ni Koji kasabay ng pagsandal n'ya sa upuan. I smiled flatly thinking that he might tired of socializing with my fam. Pinaharurot ko na agad ang kotse para makauwi na agad kami at makapag-pahinga na.

Mabilis kaming nakauwi. Siguro kasi masyado akong nagmamadali para maunahan naming umuwi sila Red, at para makapagpahinga na rin si Koji. Pero sa sobrang focus ko sa pagmamaneho, hindi ko napansing nakatulog na si Koji.

Natigilan na lang ako nang i-park ko ang sasakyan at lingunin ko s'ya. Kaya pala walang imik. Tulog na. Napangiti ako.

"Tangi? We're here na." Bulong ko at hinawakan ang kamay n'ya na ngayon ay nasa hita n'ya.

Marahan kong tinapik ang kamay n'ya pero tulog pa rin talaga. Tumitig na lang ako sa mukha n'yang nakaharap sa'kin habang naksandal sa upuan, nakanguso kaya nagpapakita ang dimples n'ya, namumula ang tainga at mahimbing ang tulog. Natatakpan pa ng bangs ang mata n'ya na dahan-dahan kong tinanggal.

Marahan kong inabot ang container sa kamay n'ya at iniangat iyon, baka kasi mabitawan n'ya. Pero bigla s'yang nagising, tinignan ang kamay n'ya bago tumingin sa akin. Napatanga ako.

"Uh... I'm sorry. Nagulat ba kita?" Nagaalalang sabi ko. "Kukunin ko lang sana sa kamay mo kasi baka..."

Bumagal ang pagsasalita ko nang bigla n'yang hablutin ang container at inilagay iyon sa tabi n'ya, saka n'ya hinila ang kamay ko at mabilis na yumakap sa aking leeg.

"Matapon..." I continued.

Nagulat ako, s'yempre. Pero nang marinig ko ang malalim n'yang paghinga, yumakap na rin ako pabalik. Sobrang higpit ng akap n'ya habang nakabaon sa leeg ko ang kaniyang mukha.

"Hey," I called while gently stroking his fluffy hair. "You good? Napagod ka 'no?"

I felt him nodding. Napagod nga ang bata.

I chuckled and moved a little bit, fixing my posture, to make him comfortable while hugging me. Naramdaman ko ang pag-higpit ng kapit n'ya.

I sighed and caressed his back. Kahit ako ay napapapikit na rin sa tagal ng yakap namin. Hindi lang s'ya ang nakakapag-pahinga, ako rin. His hug is everything. Ang sarap umuwi sa ganito.

"Are you happy?" I asked with a husky voice.

Maya-maya, umangat ang ulo n'ya at hinarap ako. "Na?"

I smile downwards. "That you're one of the Mendez now?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 22 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Go Through The Spark (Red String Series #1)Where stories live. Discover now