002 | Distansya

2 0 0
                                        

November 2022Filipino

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

November 2022
Filipino

Sa isip ko, ‘di ko mararating ito.
Napakalayo ng distansya ko rito.
Ganito ba talaga ang pangarap ko?
Napakalapit, ngunit napakalayo?

Noong isang munting bata pa lang ako,
Magaling, masipag, at marangal ako.
Ngayo’y ako’y malaya tulad ng ibon,
P’wede ko nang gawin ang nais ko noon.

Kaso tila ba may humihila sa ‘kin.
Sa sobrang dali, ako’y ‘di makahinga.
Ako ngayo’y nawawalan na ng hangin;
Lunod sa luha at naipit sa sanga.

Ilang taon na ang nagdaan sa akin;
Para na ‘kong isang ibong kumakanta.
Ako man ngayon ay nagmumukhang sakim,
Ngunit ako’y nasa dulo na ng kanta.

Sumakabilang-buhay man ang pangarap,
Nabuhay itong muli sa isang kurap.
Ngayo’y nasa dulo na ‘ko ng daanan;
Gaano ba kalapit ang malayong daan?

Kung ako ay ‘di nawalan ng pag-asa,
Distansya’y ‘di inabot ng labing-isa.
Rinig ko na ang mga twit-twit ng ibon;
Hangin, salamat, iyon ay nakatulong.

#

NOTE

This was written for a performance task in Filipino.

Line of BoredomWhere stories live. Discover now