Her Real Her Is Found In 1872

14 1 0
                                    

Magandang bati, Binibini/Ginoo! Ikinagagalak kong makita kita rito! Napadaan ka lamang ba? O tunay na may sadya ka?

Kung nais mong basahin ang aking nobela, aba'y ihanda na ang iyong sarili sapagkat sisisirin mo ang buong kuwento ni Irish Leonora Fabroa.

Gamit ang isang antigong orasan ng lolo ni Irish, ay masisisid mo ang kanyang magiging karanasan sa buhay.

Antique? A magic that exists before? 1872, the year of white and black magics in the Philippines. Matutuklasan ang lahat ng ito ni Irish nang pakialaman niya ang antigong orasan ng kanyang lolo.

Sa kasaysayan ng Pilipinas, hindi lahat ay naikwento sa mga tao ngayon. Mahika? Oo, umiiral ang mahika sa taong 1872. Iilan lamang ang mayroon nito dati at sa iisang siyudad lang din matatagpuan ang mga taong may mahika.

Ito ay ang siyudad na Abrazar. Ito ay isang malaking isla na kasapi pa rin ng Pilipinas. Ang mga tao rito ay may sariling pamumuno. Hindi sila sumusunod sa Pinuno ng buong bansa, sapagkat ang tanging batas na sinusunod nila ay ang kanilang hari-harian na si Haring Juan at ang kanyang asawa na si Reyna Carlita.

Sino nga ba ang Lolo ni Irish? At kung sakaling mapunta siya sa panahong iyon, paano niya malalampasan ang mga hamon para makabalik siya sa tamang oras na kinabububayan niya?


DESCRIPTION

Ang kuwentong ito ay kathang isip lamang at naaayon sa ideya at sa malawak na imahinasyon ng may akda. Ang kahit na anong pangalan, karakter, lugar, negosyo, insidente at mga pangyayari, na may pagkakatulad sa totoong buhay ay nagkataon lamang.

Asahan ang mga maling gramatika at gayun din ang typograpikal na mga pagkakamali. Ang kuwentong ito ay maaaring naglalaman ng mga iba't ibang babala na hindi maaari sa mga bata.

Her Real Her Is Found In 1872Where stories live. Discover now