Uno

7 1 0
                                    

"Apo? Ayos ka lamang ba?"

Iyan ang itinanong sa 'kin ni Lolo nang makita akong nakatulala rito sa kuwarto. Hindi pa rin kasi ako pumapasok sa kuwarto at pinagmasdan lang ang loob. Pamilyar na pamilyar kasi talaga ang kuwarto pero sure naman ako na ngayon lang ako nakapunta rito.

Maybe I was just hallucinating. Guni-guni ko lang siguro na pamilyar ang kuwarto. Never in my life na nakapunta ako sa Samal Island. Ngayon lang talaga.

"Ah, I'm okay Lo. Never mind. Pasok na po ako."

Pumasok na ako sa kuwarto at inihanda ang mga kagamitan. May malaking cabinet ang kuwarto ko kaya roon ko inilagay ang mga kagamitan ko. I only brought 20 pairs of clothes, 10 pairs of undergarments, 2 towels, a toothbrush, 4 pairs of shoes, and of course, my makeup kit.

"Maiwan na muna kita rito, ha. Magpahinga ka muna rito at maghapunan tayo pagkagising mo. Naku, kawawa naman ang apo ko, paniguradong napagod sa byahe."

Medyo natawa ako sa sinabi ni Lolo. At the same time, I was touched. Kahit kasi mabunganga itong si Lolo, alam kong mahal na mahal niya ako. Ako ang nag-iisa niyang apo kaya alam ko na sobra ang pagmamahal niya sa 'kin.

"Sige po, Lo. I'll just take a nap and then, bababa po ako and we'll eat dinner." Pahayag ko. Tinanguan lamang ako ni Lolo at bumaba na siya ng kusina. Magluluto siguro siya ng hapunan namin.

Umupo na ako sa aking kama. Queen-size ang bed na ito at katamtaman ang lambot. Nang makahiga na ako sa aking kama ay unti-unti kong ipinikit ang aking mga mata. Mabigat na rin kasi ang talukap ng aking mga mata kaya naman ay tuluyan na akong nakatulog.

"Narito na!"

"Humanda kayo!"

Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ang mga salitang iyon sa aking panaginip. Iyon na naman ang wirdong panaginip ko. Pangalawang beses ko nang napanaginipan ang boses na iyon. Ang kinaibahan lang ay hindi ko alam kung nasaan ako sa mga oras na iyon. Wala kasi ako sa isang silid. Parang... Parang nasa bilangguan ako?

Hinilot ko ang aking sintido dahil tumitirik ito. Was I really that stress, for me to have weird dreams? Ipinilig ko ang aking ulo at kinuha ang cellphone na nakalapag sa bedside table. Tiningnan ko ang oras at alas seis na ng gabi.

Bumaba ako ng kusina at naabutan ko roon si Lolo na naghahanda sa hapag. Nginitian niya ako at ngumiti rin ako sa kanya. Matanda na ang aking Lolo pero wala sa mukha niya ang edad nito. Kahit na 88 na kasi si Lolo ay marami pa ring matatandang babae ang magkakarandapa sa kaniya. Hindi mapagkakailang guwapo kasi itong si Lolo. Mas gumuwapo pa nga siya noong namatay si Lola na asawa niya dulot ng cancer.

"Umupo kana, apo. Nagluto ako ng paborito mong sinigang at saka menudo. Kumain kana, mainit-init pa ang sabaw, masarap sa tiyan." Sabi ni Lolo sa 'kin na may bahid na ngiti sa mukha.

Umupo na ako at katabi ko si Lolo. Si Lolo pa nga ang nagsandok sa 'kin ng kanin at ulam. Talagang mahal na mahal ako ni Lolo.

Masaya kaming kumakain ni Lolo sa kanyang luto. Hindi mapagkakailang masarap si Lolo magluto kahit anong putahe pa iyan. Lolo was once a Chef when he was younger.

"Bukas na bukas, ipapasyal kita rito sa Samal. Nasasabik akong makilala mo ang mga kapitbahay natin!" Masayang wika ni Lolo.

Nginuya at linunok ko muna ang pagkaing nasa 'king bibig bago ako nagsalita. "Okay po, Lo. I'm also excited to meet them. Are they nice po ba, Lo? Mababait ba sila?"

"Aba'y oo naman, apo! Mabait na mabait sila. Lalong-lalo na yung apo ni Mang Edgar na si Cyzen. Mabait na binata 'yon! Sigurado akong magkakasundo kayo."

Her Real Her Is Found In 1872Where stories live. Discover now