"Ahhh!"
Nabitawan ko ang aking cellphone na nagsisilbing ilaw dahil sa pagkagulat. Did I just see a freaking ghost?
"Apo, apo, ako lang 'to, kumalma ka."
Parang nabunutan ng malaking tinik ang aking puso nang marinig ang boses na iyon. Agad kong kinuha ang cellphone ko sa sahig at inilawan ang lalaking nakatayo sa harapan ko.
Akala ko, multo!
"Lo!" I immediately hugged him tightly and let my tears stream down from my eyes. Doon ako umiyak sa mga bisig ni Lolo. Akala ko kasi ay katapusan ko na dahil kakainin ako ng kung anong multo.
"Akala k-ko po, m-multo kayo."
Marahang tumawa si Lolo. "Apo, pasensya ka na. Facemask kasi itong sa mukha ko. Inirekomenda kasi ito ng kaibigan ko para kuminis naman ang kulubot kong balat kahit papa'no."
Mangiyak-ngiyak akong tumawa sa sinabi ni Lolo. "You know what, Lo? I sometimes thought that you're a teenager instead of an eighty-eight year old man."
Tumawa si Lolo sa 'king sinabi at hinaplos ang ulo't likod ko. "Ikaw talagang bata ka. Bakit ka ba narito? Ang dilim-dilim, hindi mo man lang binuksan ang ilaw. Akala ko tuloy ay magnanakaw ka."
"Sorry, Lo. Nakarinig po kasi ako ng tunog ng orasan, so I came here and found out that the antique clock of yours is working again. Did you get it fixed, Lo?"
"Hindi ko naman inayos 'yan. Teka buksan ko muna ang ilaw," kumalas si Lolo sa 'kin para buksan ang ilaw sa isang sulok. Nakahinga ako nang maluwag noong nagkailaw na ang buong paligid.
Lumapit si Lolo sa orasan at sinuri ito. "Hindi naman umaandar, ah? Marahil ay namamalikmata ka lang, apo. Sira pa rin ang orasan na ito hanggang hindi ko pa ito napapaayos."
Napanganga ako sa kanyang sinabi. Dali-dali kong sinuri ang orasan at mas lalong umawang ang bibig ko nang makitang hindi na nga ito umaandar. Hindi ko pa naman iyon nahahawakan, paanong nasira ulit ito?
"Alam mo, namamalikmata ka lamang apo. Mabuti pa at bumalik kana roon sa kuwarto mo dahil alas doce na ng hatinggabi. Maaga ka pang gigising bukas at igagala pa kita sa Samal."
Nagpakawala ako ng isang buntong-hininga bago napagpasyahang tumango. "Okay, Lo. Sorry sa abala."
Tango lang ang itinugon ni Lolo at umakyat na kami sa 'ming kuwarto. Hindi ko rin maiwasang sumulyap muli sa antigong orasan na 'yon. Sigurado kasi talaga ako na gumana iyon kanina. Baka rin namamalikmata lang ako kagaya ng sinabi ni Lolo.
Pero ano 'yong mga tunog?
I shook my head repeatedly. Mukhang kailangan ko na talaga ng tulog. Kung ano-ano nalang kasi ang mga naririnig ko. Pagod na pagod na nga yata ako.
I looked back at my phone and saw that it's 12:35 already. Ang bilis ng oras. Kalahating oras na pala ako roon sa salas?
Pumasok na ako sa aking kuwarto. I closed the door and locked it before diving right on the bed. Mukhang segundo lang din at tuluyan na akong nakatulog.
Nagising na lamang ako sa tunog na nanggagaling sa baba. Iminulat ko ang aking mga mata at sinulyapan ang bintana. I groaned when it's still dark outside. Tamad kong kinuha ang cellphone sa bedside table at tiningnan ang oras.
Alas 5:21 pa ng umaga. How many hours did I sleep? 5 hours? Puyat nga ako. Kasalanan talaga 'to ng ML na 'yon at ang tunog na 'yon kagabi.
Napabalikwas ako ng bangon nang maalala ang kaganapan kagabi. Tama! That noise last night. That freaking scary clock noises last night. Kailangan kong tanungin si Lolo tungkol doon.
YOU ARE READING
Her Real Her Is Found In 1872
FantasyWhat if you just discovered a hidden portal inside your house? What will you do? Will you go inside that portal? What if that portal will lead you to the world where the impossibles you believed were actually possible? What if that world will help y...