Matapos kong magbihis ay bigla na lang akong naduwal. Umatake na naman yung morning sickness ko.
"Hey, ok ka lang?"
Agad lumapit si Austin sakin at sobrang nagalala.
"I'm fine. Medyo nasusuka lang talaga ko-..."
Hindi ko na napigilan pa ang pagsuka ko. Nakaupo na 'ko sa sahig at panay ang duwal ko sa toilet bowl habang hinahagod naman ni Austin ang likod ko.
"Here drink some water. Sigurado ka bang ok ka lang? Gusto mo bang pumunta tayo sa ospital?"
"No. There's no need. It's just part of my pregnancy. You don't have to worry."
"Are you sure? I'm sorry."
Sabay halik nya sa ulo ko habang patuloy ang marahang paghagod nya sa likod ko.
"You can leave me here, I need to take a shower."
"Gusto mo sabay tayo? Paliguan kita?"
"What? Ayoko nga!"
"Why? I won't do anything to you, I promise. Ligo lang."
Nakangiting sabi nya habang nakatingin sakin. Patuloy sya sa pagpapacute habang tinataas taas ang kilay nya.
"Stop doing that! Nakakainis ka!"
Nilamukos ko ang mukha nya at tumayo na 'ko. Sa totoo lang ay nahihiya ako dahil amoy suka na 'ko, it just feels so awkward, never ko pang narasan na maligo with someone.
"Come on! Please?"
"No! Lumabas ka na nga."
"Why? Nakita ko na naman lahat yan, you have nothing to hide anymore."
"You're crazy Aus-...Oh my God! Austin, ano ba? Put me down!"
Wala na akong nagawa nang bigla nya akong binuhat papunta sa shower area sabay sara nya sa glass door. I can't believe that all my firsts are going to be with this guy.
Pagkatapos naming magshower ay pumunta na kami sa restaurant para magbreakfast. Dahil sa sobrang gutom ko ay madami akong kinuhang pagkain sa buffet table.
"Hmm...! Ang sarap nito!"
"Are you sure kaya mong ubusin lahat yan?"
"Of course! Why?"
"Baka hindi ka na matunawan nyan ha?"
"What do you mean? Hoy! Hindi lang ako ang kumakain nito noh! I'm carrying your baby in my tummy, remember?"
"Oo na. Sige na, eat all you want basta dahan dahan lang ang subo baka mabulunan ka. Siguradong tataba ka agad nyan."
"Bakit? Kapag ba tumaba ako mahihiya ka nang kasama 'ko? Would you still love me? Ha?"
"Ano bang klaseng tanong yan?"
"Bakit hindi mo masagot? Would you still want to kiss me kapag nangyari yun?"
"Of course! Kahit ano pang maging size mo, ikaw pa rin ang pinakasexy at pinakamagandang babae sa paningin ko. I would love you even more and I would still do this..."
Nagulat na lang ako sa bigla nyang paghalik sa labi ko at napatingin ako agad sa paligid namin.
"Ano ka ba? Why did you do that here? Ang daming tao!"

YOU ARE READING
Love Game (Book 1)
RomanceTwo broken players finally found each other. Will one of them win or will both of them lose in this love game?