Dumating kami ng aking ama sa kastilyo at inihatid kami ng ilang mga bantay. Pumasok kami sa loob at nagtungo sa isang malaking silid na may mataas na kisame.
Pagpasok namin, naroon na ang mga maharlika kasama ang ilang tao at mga bantay na nakatayo sa bawat sulok ng silid.
Lahat sila ay lumingon sa amin pagpasok namin. Hindi ako komportable dahil sa atensyon na ibinigay sa amin.
Ang Hari ang unang nagsalita, "Nandito na sila! Harold, ang iyong anak na babae ay lumaking maganda, tiyak na hindi niya nakuha iyon mula sa iyo." tawa ng Hari.
Tumawa ang aking ama kasama niya. Makikita mo kung gaano sila kalapit sa tuwing nagbibiruan sila ng ganito.
"Masasabi ko rin iyan sa inyo, mahal na hari," sagot ng ama ko. Pagkatapos ay lumapit siya sa Reyna at hinalikan ang kanyang kamay gayundin ang kamay ng prinsesa. "Ikagagalak ko na makita kayo, mahal na reyna, mahal na prinsesa."
Ako naman ay nakatayo lamang doon na parang tanga. Dapat ko rin bang halikan ang kanilang mga kamay? Diyos ko, hindi ako handa para rito.
Lumapit sa akin ang Hari at yumuko ako. Ngumiti siya, "Ang ilang beses lamang kitang nakita ay noong ikaw ay sanggol pa at noong libing ng iyong ina ilang taon na ang nakalilipas." Ngumiti siya sa akin na parang talagang natutuwa siyang makita ako.
Ngumiti ako at iniabot ang kanyang kamay nang ialok niya ito. "Ikinagagalak kong makilala kayo nang pormal, mahal na hari." sabi ko.
"Akala ko nababaliw na ang iyong ama nang sabihin niyang inalok ka niyang maging personal na bantay ng aking anak na babae." tawa niya. "Pero malaki ang paniniwala niya na isa kang espesyal na bata at pinagkakatiwalaan ko siya, ngunit bago mo makuha ang posisyon, kailangan mong makipaglaban sa isa sa aking pinakamahuhusay na kabalyero upang patunayan ang iyong sarili."
Tumango ako, "Naiintindihan ko po, mahal na hari." Ngumiti siya at pagkatapos ay nagsimula nang makipag-usap sa aking ama tungkol sa mga kaayusan.
Ang aking pansin ay napunta sa prinsesa na nakatingin sa akin nang may pagtataka.
Marahil ay nagulat din siya sa pagkakaroon ng isang babae na magpoprotekta sa kanya. Alam kong hindi karaniwan ang ganitong kaayusan kaya naiintindihan ko ang kanyang pagkalito.
Hindi pa ako nakalapit sa prinsesa dahil ang mga maharlika ay laging malayo sa mga tao, kahit sa arena ay nakaupo sila sa itaas ng lahat.
Ngayon na nakikita ko siya nang ilang talampakan lang ang layo, mukha siyang isang anghel, mayroong buhok na mala-ginto, mga berdeng mata, at ang mahabang puting damit na suot niya. Nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam habang tinititigan siya, isang pakiramdam na hindi ko pa naranasan dati.
"Hale," gising ng ama ko mula sa aking pagkatulala nang tawagin niya ako. Lumapit ako sa kanya at natagpuan ang sarili na mas malapit sa prinsesa at nasa harap ng Reyna at Hari.
Yumuko ako sa Reyna. Ngumiti siya sa akin nang bahagya at pagkatapos ay binalik ang pansin sa aking ama.
"Napagkasunduan na, kailan magsisimula ang laban ni Hale para sa pagtanggap?" tanong ng aking ama.
Tumawa ang Hari, "Ngayon."
Lumabas kami patungo sa isang maliit na lugar ng labanan. Ang mga Maharlika kasama ang aking ama ay pumuwesto sa likod at umupo sa ilang mga upuan, handa nang manood.
Isang kabalyero ang pumasok na may hawak nang espada.
Isang tao mula sa gilid ang naghagis sa akin ng helmet bago siya bumalik upang tumayo sa tabi ng mga maharlika. Narinig ko na ang pangalan niya ay Saric. Nagpasalamat ako sa kanya at isinuot ang aking helmet.
BINABASA MO ANG
Hale's Secret: The Warrior's Princess (GxG)
FantasySi Hale ay matagal nang nagtatago ng kanyang tunay na kasarian o pagkakakilanlan upang makipaglaban sa paligsahan sa loob ng kaharian kung saan mahigpit na ipinagbabawal na sumali ang mga babae. Sa paglipas ng mga taon, siya ay nakaligtas at nanalo...