Chapter 2

4 3 7
                                    

CALLIAH POV

Nag-lalakad na ako pauwi, naisipan ko na umuwi dahil gumagabi na  at sigurado ako na nag-alala na sa akin Drystan. 

"I'm sure gutom na ang bubwit na yun." Sambit ko sa sarili ko, dala-dala ang pasalubong ko na pag-kain para sa kapatid ko.

I heard my phone ring, and I was excited, thinking it was Theon calling me. I frowned when I realized it was just my brother Drystan calling.

[ sakit sa ulo calling]

Napairap nalang ako at inis na sinagot ang tawag.

"Oh bakit?" walang gana kong turan.

"Ate Cali, pinapalayas na tayo nung may-ari nang bahay anong gagawin natin, sa kalsada na ba tayo neto  matutulog?"  Nag p-panic na sambit Drystan. Napapikit nalang ako nang ma-alala ko na ngayong araw nga pala ang bayaran sa renta ng bahay, inaasahan ko pa naman sana ang sahod ko ngayong araw pero hindi ko ito nakuha.

"Drystan tumigil ka nga muna sa pag-iyak mo dyan. Sabihan mo yung may-ari mag-babayad ako."  Inis na sambit ko. Lalong sumasakit ang ulo ko sa isipin nang bayarin, tapos dumagdag pa na wala na akong trabaho ngayon.

"Saan ka naman kukuha nang ipam-babayad mo ate e wala ka pa namang pera."  Takang tanong ni Drystan. Napa-buntong hininga nalang ako, saan nga ba ako kukuha ng pambayad...

"Ibebenta muna kita para makabayad na"  Pabirong sagot ko dahilan para mapangawa sa iyak si Drystan. Ang laki niya na pero napaka-iyakin niya parin.

"Ate naman e, ayoko nga! sa kalsada nalang tayo matulog ayos lang yun sakin. " Pahayag niya, napangiti ako ng matipid dahil sa sinabi niya.

Kaming dalawa nalang ni Drystan ang magka-sama, ako na ang tumayong magulang niya simula ng iwanan kami nila Mama at Papa para sa kaniya-kaniya nilang bagong pamilya. Pinangako ko sa sarili ko na hindi ko pababayaan si Drystan, kaya kahit mahirap ay kinakaya ko para lang bigyan siya ng maayos na buhay.

"Joke lang hindi ka mabiro. Basta ako na bahala mag-hanap nang pera, Osige na ba-bye."  Sambit ko tyaka pinutol ang tawag. Bigla kong naalala ang binigay na calling card sa akin ni Miss Cordelia, kinuha ko ito sa bulsa ko at naisipan na tawagan siya, nakakahiya man pero magbaba-kasakali ako na makahingi ng tulong sa kaniya.

"Hello, who is this? " Tanong ni Miss Cordelia nang masagot niya na ang tawag ko. Napa-buntong hininga naman ako at kinakabahan na sumagot sa kaniya.

"Hello Miss Cordelia, Si Calliah po ito." Nahihiyang pag-papakilala ko.

"Oh,hi Calliah. How may I help you? Mahinahong tanong niya.  Muli akong bumuntong-hininga bago nag-salita.

"Pasensya na po sa biglaan na pag-tawag. Ano po kasi, nakakahiya pero baka lang po sakali na may alam po kayong trabaho na pupwede ko po sanang mapasokan, kahit po mag maid ako ay ayos lang po saakin." Mahabang sambit ko, nakakahiya man pero kinapalan ko na ang mukha kong humingi nang tulong sa kaniya dahil kailangan ko talaga nang pera sa  ngayon pambayad lang  sa renta ng bahay at pati na din sa mga bills.

"Nice timing actually. Naka leave Kasi ngayon ang CEO nang company na pinag-tatrabahoan ko and his mother is looking for a maid na mag-aasikaso sa anak niya. Are you willing to start ASAP?" Tanong niya. Hindi ko naman maiwasang mapatalon  sa sobrang tuwa dahil sawakas ay may magiging trabaho na ulit ako

"YES PO" Napa yes na ako kaagad  dahil trabaho na itong inilalapit sakin.

"Okay I'll text to you the location of his house. Tommorow pwede ka na mag start. Anyway,can you send me the number of your bank account?" Paliwanag nya, medyo nag-taka naman ako sa naging tanong niya

 The Ceo's Leading Lady:Love In The Spotlight Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon