Chapter 3

8 3 5
                                    


Nandito na ako ngayon sa labas ng gate nang isang malaking bahay. Sobrang ganda nito, napatingin ako sa buong paligid tama kaya itong napuntahan kong bahay. Chineck ko yung location na sinend sa akin ni Miss Cordelia, mukhang tama naman ang napuntahan ko dahil same address ito sa binigay na address sa akin ni Miss Cordelia. Bumuntong hininga muna ako bago ako nag-lakad at lumapit sa guard.

"Good afternoon po, ako po pala yung pinadala ni Miss Cordelia Fenier. Ako po yung bagong Maid dito, Sir." Sambit ko sa guard, masugid niya akong tiningnan mula paa hanggang ulo.  Gosh! guard palang dito masungit na ano pa kaya pag yung amo na.

"Hoy! pasok na. Ano pang tinu-tunganga mo dyan?!" Napa-igtad ako sa gulat dahil sa sigaw ni Kuya guard. Ka-lalaking tao uma-attitude, kaloka.

"Ay pasensya na po, na distract po ako sa ka pogian niyo e." Pambobola ko sakaling makuha ko ang loob ni kuya guard at bumait sa akin.

"Napansin mo din pala iha? O sige na diretso ka na doon sa loob, doorbell ka nalang para  marinig ka ni Sir Kethan at mapag-buksan ka niya nang pinto." Naka-ngiting pahayag ni Kuya guard. Effective pala ang pambobola ko, sana umeffect din sa amo ko.

Nag-lakad na ako papasok sa loob. Na amazed ako sa sobrang ganda at lawak nang bahay, tuloy lang ako sa pag-lalakad hanggang sa bumungad sa akin ang malaking pintoan. Inayos ko muna ang sarili ko bago nag doorbell. Nakailang pindot din ako bago may bumukas sa pinto. Tumambad sa harapan ko ang napaka poging lalaki, walang emosyon itong nakatitig sa akin.

"Who are you?" Malamig niya akong tinitigan. Halatang may pagka-masungit ito,napalunok nalang ako sa takot na baka mawalan na naman ako ngayon nang trabaho.

"Ahm, ah eh.. a-ako po yung pinadala dito ni Ma'am Cordelia, S-sir." Nauutal ko na tugon, nakaka intimidate kasi naman ang titig niya saakin.
Tinitigan nya ako mula paa hanggang ulo. My gosh! Siguro jinajudge niya na ako, parang matutunaw ako sa ginagawa nya!

"New maid I guess? Tsk! di ako tumatanggap nang maid kaya makakaalis ka na." Masungit niyang sambit.

"Si Mommy talaga, hanggang kelan ba niya balak mag-padala ng mga babae dito sa bahay ko, so annoying!" Pahabol niyang turan sabay tingin sa akin ng masama. Bakit saakin siya galit? Trabaho lang ang hanap ko, wala akong kinalaman sa kung anong merong alitan silang mag-ina.

"Wala po akong alam sa sinasabi mo Sir, andito po ako para mag-trabaho yun lang po ang alam ko." Pahayag ko sa kaniya, napa-buntong hininga siya at napa-titig sa akin bago mag-salita.

"Look miss, wala akong time para sa mga ganitong kalokohan, if pinadala ka dito ng Mommy ko para maging maid hindi kita kailangan, madami na akong maid dito." He said irritatedly, naalala ko bigla ang bilin sakin ni Miss Cordelia, kailangan ko na makapasok dito dahil kung hindi lagot ako sa mama nang lalaking ito. Isa pa nagamit ko na yung unang binayad sa akin mahihirapan ako na maibalik kaagad yun. Akmang isasarado nya na sana ang pintoan nang agad ko din tong pigilan.

"WAIT!" Sigaw ko dahilan para matigilan siya, nag-tataka naman siyang napatingin sa akin.

"H-hindi mo pwedeng isara ang pinto." Parang tanga kong sambit. Sa sobrang pagka-taranta ko ay yun nalang ang nasabi ko.

"At bakit hindi? This is my house so I can do whatever I want." Inis niyang turan, napangiti ako ng pilit sa kaniya habang nag-iisip kung ano ang dapat kong sasabihin.

"Basta hindi mo pwedeng isara ang pinto"

"Sino ka para utosan ako?"

"Hindi nga Kasi pwede!" Sigaw ko sa kaniya dahilan para mapa-tingin siya sa akin ng masama.

"Get out of my sight.." Malamig niyang sambit.

"Mali po kayo ng naiisip okay? hindi niyo po ako maid. I'm your Nurse for today's video." Bigla ko nalang naisambit. Bahala na kelangan ko talaga ngayon nang trabaho.

"What?" Nagugulohan niyang tanong. Maski ako nagugulohan din sa naging sagot ko e, paanong naging nurse ako e maid ang pinasok ko na trabaho dito.

"I'm your Nurse. May sakit ka raw diba? Andito ako para I check ka. Now don't waste my time and let's go inside. ". Palusot ko tiyaka mabilis na pumasok sa loob nang bahay. Jusme andito ako para naging maid pero naging nurse pa ako nang wala sa oras! Nawa ay mapanindigan ko itong kagagahan ko.

"Hey! Hindi pa kita pina-papasok"

"Nakapasok na ako so wala ka ng magagawa"

"Tsk,so annoying!" Sambit niya at inis nalang na napa-upo sa sofa.

Oh surrender siya ngayon, huh! si Calliah Logan ata to nuh!

"Don't, worry I will take good care of you."

________________________________________________________________

Napangiti si Cordelia nang sawakas ay nakapasok na si Calliah sa loob ng bahay ni Kethan. Hindi niya akalain na magagawang makapasok ni Calliah sa bahay ni Kethan, She was expecting na mahihirapan itong makapasok pero napahanga siya na ganoon lang kabilis sa kaniya ang makapasok sa bahay ni Kethan.

"Sa bahay tayo ni Madam Eleanore." Sambit niya sa kaniyang driver na agad din naman netong sinunod at nag drive na papunta sa mansion ni Eleanore.

Nang makarating sa mansion ay agad na bumaba si Cordelia at nag-tungo sa loob, naabotan niya si Eleanore na naka-upo sa sofa habang busy sa pag-titingin ng mga jewelry sa isang branded magazine.

"Any good news?" Tanong ni Eleanore, napangiti si Cordelia at umupo sa sofa.

"You won't believe this Madam, nakapasok siya sa loob ng bahay ni Kethan ng walang kahirap-hirap." Manghang turan ni Cordelia, napatingin sa kaniya si Eleanore at agad na napangiti.

"Really? " Masayang tanong niya, agad namang napa-tango si Cordelia bilang sagot.

"Yes, and Kethan didn't do anything para kaladkarin siya palabas."

"Hmm, that Calliah girl is really something." Manghang pahayag ni Eleanore, ngunit agad siyang natigilan.

"Hindi kaya dahil nakikita ni Kethan sa kaniya ang younger version ni Leilani? " Nag-alalang tanong neto, Cordelia nodded in response,considering that it was not impossible for that to happen, especially since Calliah resembled a younger version of Leilani.

"We need to do something, lalo na at balita ko uuwi raw si Leilani 2 months from now." Pahayag ni Cordelia, naningkit ang mga mata ni Eleanore, she took a deep sigh. Kailangan niyang maka-gawa ng paraan para mahulog ang loob ni Kethan kay  Calliah bago pa man bumalik si Leilani sa Pilipinas.

"I won't let that bitch ruin Kethan's life again. I will do everything para lang mahulog si Kethan kay Calliah, and when the day comes na mag-kita silang tatlo ni Leilani, I will make sure na siya ang masasaktan at hindi si Kethan."  Galit na pahayag ni Eleanore, sa tuwing napag-uusapan si Leilani ay hindi niya maiwasang mainis dahil naaalala neto ang ginawa niyang pag-sira sa buhay ni Kethan.

"Kethan's need to fall in love with Calliah."

 The Ceo's Leading Lady:Love In The Spotlight Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon