Written by: iscreameyesssss
Maaga akong nagising ngayong araw dahil may pupuntahan kaming magkaibigan.
Habang nag-aayos ako ay biglang sumigaw ang aking lola. “Sei nandito ang mga kaibigan mo!”
“Teka lang, ‘La, paghintayin mo muna yang mga 'yan, hindi naman 'yan mga prinsesa!” sigaw ko pabalik sa aking lola upang ako ay marinig niya dahil ako ay nasa taas at siya ay nasa ibaba.
Nang matapos kong ayusan ang aking sarili ay agad kong iniligpit ang mga kalat ko sa aking kwarto bago kinuha ang aking maleta at bumaba na.
“Ang usapan 6:30 aalis na tayo, 7:00 na Seidon oh?” galit na saad ni Arya sa akin habang tinuturo ang kaniyang orasan.
“Facts,” dagdag naman ni Dei.
Akmang magsasalita ako nang unahan ako ni Madam Krista.
“Stop fighting na nga, let's go na baka it's traffic na there sa edsa.” Pigil ni madam Krista sa aming tatlo.
Natahimik naman kaming tatlo sa pag aaway habang ang iba naming kasamahan ay natatawa sa kanilang nasaksihan na pag-aaway.
“Nay una na kami,” saad ko sa aking lola habang naglalakad papalapit sa kaniya upang magmano.
Sumunod naman ang iba ko pang kaibigan upang magmano sa aking lola.
Nang kami ay makalabas ay agad akong dumiretso sa likod upang ilagay ang maleta na puno ng mga damit ko na sapat na pang-tatlong araw.
Pagkatapos kong mailagay ang maleta sa likod ay agad na akong pumasok sa van na aming sasakyan.
“Isog ka nga doon Rio,” saad ko sa aming Dadey na si Rio.
Mabuti na lamang ay mabait si Rio at hindi na nag tanong pa o umangal man lang dahil agad siyang umusog upang mapaupo ako.
“I love you talaga Rio,” saad ko dito habang nag papalipad ako ng flying kiss sa kaniya.
Imbes na saluin iyon ay iniwasan niya iyon at umaktong nasusuka.
“Pacque ka,” saad ko dito habang naka taas ang aking gitnang daliri.
Hindi na lamang ako nito pinansin at ibinaling ang tingin nito sa kanyang cellphone.
Nang kami ay makarating sa aming destinasyon na kanilang tinatawag na “Red Sheath Resort” dahil nag-iiba daw ang kulay ng buhangin dito sa tuwing sasapit ang 5:00 mapa-umaga o gabi man ito.
Agad naman kaming bumaba sa van at kinuha na ang aming mga gamit sa likod ng sasakyan dahil need pa daw naming mag-check in ng aming hotel na tutuluyan para sa tatlong araw.
“Melody, bilisan mo nga ang iyong kilos diyan, wala ka sa fashion show hah?” saway ni Joe kay Melody na kanina pa nag-pipicture at hindi pa kinukuha ang kanyang mga gamit.
Nagdadabog namang lumakad si Melody at kinuha ang kanyang mga gamit sa likod ng sasakyan.
“So kj naman niya,” bulong ni Melody sa kanyang sarili ngunit nadinig ko pa din dahil ang lakas ng kaniyang boses, tila ba nakalunok ito ng mikropono.
“Ano na Melody, diyan ka na lang,” saway ulit ni Joe sa kanya dahil sobrang arte niya at tila ba ayaw pang kumilos.
“Fine,” tila ba napipilitang sagot ni Melody kay Joe.
Nang makuha na ni Melody ang kaniyang mga gamit ay agad kaming pumasok sa loob upang makapagcheck-in na kami ng aming tutuluyan sa loob ng tatlong araw.
BINABASA MO ANG
The Adventures Of The Depunggols
General Fiction"The Adventures of the Depunggols" is a 12-chapter anthology featuring the stories of 12 different characters. Each chapter offers a unique perspective and genre, celebrating the theme of adventure through the lens of quirky, clumsy, or awkward char...