PROBINSYANA GIRL

77 16 80
                                    

Written by: Thick_Vanilla

Simulan natin ang istoryang ito sa pagpapakilala. Oo, pagpapakilala parang ‘di ka nag-grade 2, syempre magpapakilala muna o gusto niyong tapusin agad ang kwento since pala-desisyon kayo.

Ako si Art, ang apo ni lola Stella. Dahil summer at wala akong pasok, nagbakasyon kami ngayon dito sa aming probinsya at dahil miss na miss na raw ni mama si lola. Si lola ay 73 years old na pero malakas pa rin at nakikipagtawanan pa.

"A-art, apo. Gumising kana d'yan at tanghali na." 

Nagising ako sa ingay at yugyog ni lola sa aking braso. "La, maaga–" hindi ko pa man natatapos ang gusto kong sabihin ngunit rinig ko na agad ang boses ng aking nanay.

"Ano! Hihilata ka na lang d'yan! Tulog princessa ka, hindi ka man lang mahiya at lola mo pa ang gumigising sayo!" bulyaw at sigaw ni mama. 

"Ito na po babangon na," saad ko.

Umaga ngayon at ramdam na ramdam mo ang buhay probinsya. Tamang unat ng katawan, kuha ng milo, at pandesal, gumising ng 7 O'Clock ng umaga pero sa mga lola at lolo natin tanghali na para sa kanila.

Dali dali akong tumungo sa kubo upang duon magkape dahil andoon naman sila papa at lolo. Nakita kong kasunod ko si lola kaya naman pinantayan ko sya at inalalayan patungo sa kubo kung saan naroroon sila papa at lolo.

Habang nagkakape kami at nagaalmusal ay kasabay nito ang masayang bungisngisan.

Bata palang daw ako ay marami nang mga nakakahiya at nakakatawang pangyayari sa aking buhay. Isa na dito ang paglalaro ko sa pustiso ni lola stella. Nakakatawa man isipin pero wala pa ako sa muwang noon, noong araw na yun galing ako sa aming paaralan, grade 1 palang ako no'n.

Sa sobrang uhaw ko raw kinuha ko ang basong pinagbabadan ng pustiso ni lola at ininom ito. Huli na no'ng sinabihan ako ni lola no'n na 'wag iinumin ang baso na may lamang tubig sa gitnang lamesa. 

"Art, diba manliligaw mo iyon noon?" Singit ni lolo sa amin habang kami ay nagtatawanan. "Ijo! Pumarine ka!" sigaw ni lolo sa lalaking naglalakad at may bitbit itong mga kahoy.

Naglakad naman ito papunta sa amin. Mula dito sa kubo ay kitang-kita ang kaniyang kumukutikutitap na mga abs dahilan ito ng mga pawis sa kanyang katawan. Oo, wala siyang suot na pang-itaas. Kita ang kakisigan at kagwapohan nito, makapal ang mga kilay, pinkish na labi at sexy na body figure.

"Bakit po, lolo Amore?" tanong niya kay lolo nang nakangiti. Marahil ay magkakilala na sila ni lolo nang matagal kaya ganoon na lamang ang tawag niya sa aking lolo.

"E, ikaw ba'y may kasintahan na?" tanong ni lolo sa ginoo.

"Wala pa po," tipid na tugon nito sabay hawak sa kaniyang batok.

"Kilala mo ba itong aking apo?" tanong ni lolo. "Si Art," dagdag nya.

Oo, tanda ko pa siya noong nag-aral ako dito ng highschool, nanliligaw siya sa'kin at naging kami naghiwalay lang kami noong lumuwas na kami nila mama at papa ng maynila. Siya nga pala si Vicente, ang anak ng pinaka mayaman at may hasyenda dito sa probinsya.

"Ahh, opo," tipid na sagot ni vicente kay lolo kasabay nito ang pagsulyap niya sa akin. "H-hello, Art," dagdag nya.

"H-hi." saad ko sa kaniya.

"Oh, siya siya. Vicente maaari mo bang ilibot sa Mitra's farm ang aking apo?" nakangiting tanong ni lolo kay Vicente.

"Wala hong problema, lolo Amore," nakangiting saad naman ni Vicente. 

The Adventures Of The DepunggolsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon