Our Borrowed Sunset

62 11 57
                                    

Written By: shewritesmelody

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Written By: shewritesmelody

ANG sabi nila may mga tao tayong makilala na kung hindi man magiging mahalaga parte ng buhay natin ay darating lang para magsilbing aral sa atin.

Sila 'yong matatawag nating totga o di kaya'y sa tuwing maiisip mo ang taong 'yon, hindi mo mapigilan mapatanong ng napakaraming what if's.

What if hindi ako naging duwag, kami na kaya ngayon?

What if imbes na naging sarado ang utak ko ay pinakinggan ko ang paliwanag niya, kami pa kaya ngayon?

What if binigyan ko siya ng second chance noon, kami kaya ang ikakasal ngayon?

Ilan lang 'yan sa napakaraming what if's na madalas kong marinig sa mga kaibigan ko na ilang beses ng nasawi sa pag-ibig.

Kaya siguro hanggang ngayon ay wala pa rin akong boyfriend. Bukod kasi sa bitter ako, takot din akong masaktan. Kaya kahit tumanda pa akong dalaga ay ayos lang. At least hindi ko mararanasan umiyak sa maling tao na inakala kong kami na talaga hanggang dulo.

Napabuntong hininga na lang tuloy ako at saka ipinagpatuloy ang pagbabasa sa librong hawak ko. Tila hindi alintana ang mga kaibigan ko na may sari-sariling mundo at nakikipaglampungan sa kani-kanilang boyfriends na hindi naman gwapo.

Valentines Day kasi ngayon at nagkayayaan ang barkada na magpunta sa Enchanted Kingdom. Ang usapan all girls lang ang gala, pero nandito ako ngayon, nakiki-thirdwheel sa kanila.

Kahit kailan talaga, napakasinungaling, scammer at traydor nilang lahat.

Kung alam ko lang na magiging invisible at thirdwheel lang pala ako sa relasyon ng iba ay sana hindi na lang ako sumama.

Hello? Sa ganda kong 'to? Gagawin lang nila akong thirdwheel? Ang kakapal talaga ng mga mukha!

Nang hindi ako nakatiis ay pabalang kong inilapag ang makapal na libro sa tabi ko. Hinilot ko pa ang sintido ko at lukot ang mukha na nilingon ang mga kaibigan ko na hindi pa rin tapos makipaglandian.

Nang makita kong mag-kiss sila Jeysi at Rusher ay agad na umarko ang kilay ko. Tuluyan nang napigtas ang dulo ng pasensya ko.

"Pwede ba huwag kayo rito maghalikan sa harap ko? Dahil in all honesty, hindi naman kayo nakakainggit, nakakainit lang kayo ng ulo," inis na reklamo ko pero tinawanan lang naman ako ng mga bruhilda kong kaibigan.

Nagsalubong tuloy lalo ang kilay ko.

Ano bang nakakatawa sa sinabi ko? Akala ba nila nagjo-joke ako? Kung hindi ko lang talaga sila mga kaibigan ay baka kanina ko pa sila nakalbo.

The Adventures Of The DepunggolsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon