03 "When you Woke-up in 1989"

8 0 0
                                    

Nagising ako dahil sa malakas na katok galing sa labas,bago ko imulat ang mata ko,nagdasal muna ako na sana pagmulat ko ay nasa panahon na ko na pinapangarap ko

Pagmulat ko ng mata ko,wala nako sa kuwarto ko,malaki din ang kuwarto,vintage style pero malaki talaga,sa gawing kanan nakalagay ang malaking salamin na may upuan kung san pwede ka mag-ayos,sa gawing kaliwa naman ay nakalagay ang isang aparador na malaki,gawa sa kahoy pero parang pinasadya ang disenyo,yung kama naman na hinihigaan ko ay malaki rin at malambot,may aircon din pero ibang-iba sa aircon na alam ko at meron ako,sa mga nakita ko natuwa ako dahil alam ko...alam kong eto nayun..

Bago ako tumayo ay sinampal ko muna ang sarili ko,kahit anong gawin ko ay nandun lang ako,bahagya akong ngumiti at binuksan ko na ang kuwarto

"Madam!" Tumambad sakin ang isang katulong na hindi ako pamilyar sa itsura,
bakit hanggang dito sa panahong toh mayaman parin ako?hindi manlang simple,yung hindi mahirap pero hindi den mayaman?b-bakit palagi nalang ako napupunta sa ganitong sitwasyon?ganon ba'ko kamahal ng diyos?ano namang matututunan ko dito?

Hindi ako makapagsalita,hindi ko alam ang sasabihen ko,hindi ko alam ang iaasal ko dahil sabi ni Ela gawa naraw ang kuwento ko, e malay koba kung anong ugali na meron ang karakter ko noh,ayoko naman isipin nila na weirdo ako.

"M-mam alas dyis na po."-Yaya

"Anong meron?"-Mary

"Eh mam sabi niyo po kasi gisingin ko kayo dahil may meeting po kayo mamaya sa opisina."-Yaya

Meeting?a-anong meeting?nag-aaral palang ako,anong meeting?!

"M-may meeting?!"-Mary

"O-opo Mam" yung ekspresyon ng katulong ay parang takot na takot saken,siguro maldita at strikto ako sa kuwentong toh?magtataray ba'ko?

"Ano nga ulit pangalan mo?!"-Mary

"M-mam Cris po." Nauutal na sagot nya

"Okay,sige na bumaba kana don."-Mary

"Mam tatawagin ko na po ba si Cory para ayusan kayo ng buhok?"-Cris

"Hindi ko kailangan ng taga-ayos ng buhok,
Kaya kong ayusan ang sarili ko!" Naka kros ang braso ko habang sinasabe yun

"O-okay po."-Cris

Sinara ko ang pinto,napaupo ako ulit sa kama at napahawak sa ulo ko "shocks!"-Mary

Anong alam ko sa meeting nayan?!
Ano bang storya tong napasukan ko?

Tinignan ko ang aparador kung anong damit ang susuotin ko,puro pang opisina at mga pang disenteng lakad tong mga damit dito,anong susuotin ko?!

May nakita akong mini-skirt,white na sando at blue na coat,yun naman ang usually sinusuot sa opisina hindi ba?yun nalang.

Naligo nako at nagbihis,nag ponytail lang ako ng buhok at nagsuot ng rubbershoes,hindi ko alam kung bagay pero dun ako mas komportable kaya yun nalang ang kinuha at sinuot ko.

Nagulat ako pagbaba ko dahil parang bahay ng presidente ang nakikita ng mata ko,hacienda pa kung tawagin ng mga katulong pero kailangan kong umarte na hindi ako nabigla o nagulat sa mga nakikita ko dahil ayoko ngang magmukhang tanga

"Madam!" Pagtawag sakin ng isang katulong

"Yes?"-Mary

"Wag nadaw po kayo magpahatid sa driver niyo,dadaanan daw po kayo ng kuya Mac niyo"-Yaya

M-may kuya ako?ayos pala to eh,sakto wala akong kapatid sana magkasundo kami ng Mac natoh!

"O-okay." Naupo ako saglit sa malaking couch para hintayin si kuya Mac

When you Woke up in 1989Where stories live. Discover now