11

11 0 1
                                    

Paggising ko ay bumaba nalang kami sa isang tahimik at mabukid na lugar hanggang sa makapasok kami sa isang bahay na kinalulugaran ni Gabriel

Hindi ko na alam kung anong oras na pero sobrang dilim na siguro'y hating gabi na

"Gabriel?!" May isang matandang babae na sumalubong samin ni Gabriel,sya ang nagbukas ng pinto saamin,yumakap si Gabriel sakanya at nagmano,ginaya ko ang ginawa ni Gabriel bilang respeto sa matanda at tiyaka nya naman kami pinapasok sa loob,hindi ganon kalaki nag bahay pero sa simpleng taong kagaya nila ay saktong sakto lang yun at mukha naman silang masaya sa kung nasaan sila,may mga bata ding naglalaro sa loob ng bahay,apat na bata,dalawang babae at dalawang lalake na lumapit din kay Gabriel at yumakap

Nag-usap lang saglit ang matanda at si gabriel at nagpaalam na si Gabriel para matulog,umakyat kami sa itinurong kuwarto ng matanda,wala kaming choice kundi magsama sa kuwartong yun dahil tatlo lang ang kwarto sa bahay,ang tulugan ng matanda,ng mga bata at ang tutulugan namin ni Gabriel

Pagkaupo na pagkaupo namin sa kama ay hindi ko na natiis na kausapin sya "Sino yung matanda?"-Mary

"Lola ko sa side ng tatay ko." Sagot nya habang tinatanggal ang sapatos nya

I nodded "Yung mga bata?"-Mary

"Mga pamangkin ko sila sa pinsan ko na namatay na."-Gabriel

Tumayo ako at tinanggal ang takot na suot ko at ang ayos ng buhok ko para makatulog ako ng maayos

"Bakit dito mo'ko dinala?"-Mary

"Dahil ligtas ka dito,tutal gusto mo naman ng malayo sa mansyon mo."-Gabriel

I nodded "Gabriel.." pagtawag ko sakanya at lumingon sya ng dahan-dahan sakin
"I'm sorry.."-Mary

"Para saan?"-Gabriel

"For what i've did kanina."-Mary
"Kalimutan mo nayun Mary."-Gabriel

Naalala ko nanaman lahat ng sinabe ko sakanya,medyo nakokonsensya ako dahil sa kabila ng mga sinabe ko e hindi parin sya nagdalawang isip na samahan ako pero ganun paman malaki parin ang tampo ko sakanya,hindi ko parin matanggap na tapos na samin ang lahat.

"Gabriel?"-Mary
Hindi sya humarap "Gab-"

"Kristina matulog kana,kailangan mo ng magpahinga."-Gabriel

"Iiwasan mo nanaman ako?"-Mary
Nagbuntong-hininga sya,humarap sakin at tumayo,tinitigan nyako ng diretso sa mga mata ko at bigkang bumigat ang nararamdaman ko dahil dun,hindi ko maintindihan kung bakit ganon nalang ang naramdaman ko sa pagtingin nya

Biglang bumuhos ang luha ko at napabagsak sa sahig,bumaba agad sya para abutin ako at yakapin "Tama na Mary."-Gabriel

"Gabriel please..." nanginginig ang boses ko
"I've never loved anyone in past,sayo lang ako susugal.."-Mary

"Wag mo naman akong sukuan agad.."-Mary

"Mary.."-Gabriel

"Buo na ang isip ko Gabriel..ibinibigay ko na sayo ang sampung taong buhay ko dito."-Mary

"Mary?"-Gabriel

"Magpakasal na tayo Gabriel!"-Mary

Nakita ko ang saya at pagkagulat sa mukha nya at ang pagtulo ng luha nya,yumakap sya ulit sakin "pakakasalan kita Kristina."-Gabriel

"Susulitin natin ang sampung taon na natirira sa buhay ko bago ako bumalik sa tunay kong mundo."-Mary

"I'll give you everything that will serve as my memory when i leave..hindi ako aalis ng malungkot ka."-Mary

When you Woke up in 1989Where stories live. Discover now