06

2 0 0
                                    

"Tulungan moko..gawin nating maganda ang hanggan ng kwentong toh."-Mary

Naririnig ko ang paghikbi nya,parang pinipiga ang puso ko habang yakap-yakap ko si Gabriel,pakiramdam ko ay sobrang tagal ko na syang kasama,higit pa sa sampung taon at higit pa sa taon ng buhay ko,ganon sya kahirap pakawalan kaya hindi ko hahayaang hindi sya ang makakasama ko sa kwentong binubuo ko

Mahigpit ang kapit nya sa damit ko at napaluhod sya sa harap ko sa sobrang pagiyak nya,nakakadurog ng pusong makita syang ganyan,nakikita ko ang dami ng pinagdaanan nya bago kami humantong sa puntong toh,nakakalungkot na mag-isa lang syang naghihirap na sana dapat kaming dalawa ang humaharap sa mga ganong problema,kung maykaisa-isa akong hiling ngayon..

Sana makita ko lahat ng nangyari noon sa buhay ko dito sa mundong ito,gusto kong makita kung gaano ba kalupit samin ang mundo ni Gabriel para maapektuhan siya ng ganito..

Lumuhod din ako upang maabot siya..pinunasan ko ang luha nya at niyakap ko sya na parang bata habang walang tigil ang pagluha nya "Nandito nako Gabriel.." mahinang sambit ko habang nakayakap sakanya,lalong kumirot ang puso ko ng maalala kong hindi ako panghabangbuhay sa mundong toh,pagkatapos ng sampung taon ay maiiwan nanaman si Gabriel,masasaktan ko nanaman sya...parang hindi yata kakayanin ng puso ko

"Mahal na mahal kita." Paulit-ulit na sabi ko habang humihikbi sa mga balikat ni Gabriel

"Pwede bang dito ka nalang?" malungkot na tanong nya "Wala na bang paraan para makasama kita ng matagal,kristina?"-Gabriel

"Gabriel..kung kaya kolang baguhin lahat,pipiliin kong manatili sa mundong toh kahit pa napakahigpit kaysa bumalik sa mundo ko na wala ka." Sobrang bigat ng nararamdaman ko habang sinasabi koyun sakanya

"Sampung taon pa Gabriel,may sampung taon pa tayo..." naluluhang sabi ko

Nanahimik kami ng ilang minuto,nagpahinga,nagisip-isip,nagkasunduan hanggang sa pareho na kaming kumalma,bumalik kami ng sasakyan dahil idadala nyaraw ako sa bahay niya sa maynila,mga dalawang oras din ang byahe namin,hindi nako nakatulog pagkatapos non

Pagbaba namin,dun ko lang nakita ng malapitan ang bahay nya,nagulat ako dahil hindi yun ang ineexpect ko na makikita ko,halos kasing laki ng hacienda at maraming guwardiya sa loob,hanggang sa makapasok kami ay hindi ako makapagsalita sa nakikita ko,ang ineexpect ko lang ay isa syang simple,hindi mayaman pero hindi rin mahirap dahil yun ang pinapakita nya sakin, wala rin syang kaarte-arte bilang lalake

"Bahay mo to?"-Mary

Tumango sya "Well..bahay mo nadin."-Gabriel

"S-Sabihen mo nga sakin Gabriel,m-mayaman ka ba?mayaman ba ang pamilya mo?"-Mary

Natawa sya "Hindi Mary,yun ang tingen ng iba pero para sakin simple lang naman ang buhay ko ang pagkatao ko,hindi ko kayang tanggapin yung salitang mayaman para sakin dahil lumaki naman akong mahirap,bunga to ng lahat ng pinaghirapan ko,sinadya korin na ganito kalaki ang bahay ko kasi sigurado nako non na ikaw ang papakasalan ko,e ano bang malay ko sa buhay na nakasanayan mo, e nakilala kita mayaman kana,syempre gusto kong maibigay sayo yung buhay na nakasanayan mo na,iniisip ko non magpapakasal ako sayo o habangbuhay nalang akong mamuhay mag-isa..wala e ikaw lang talaga."-Gabriel

Diyosko..kaya mo naman pala gumawa ng ganitong lalake bakit sya lang?deserve ko ba to?of all people?

Umakbay sya sakin at sabay kaming naglakad,naluluha ako habang iniikot namin ang bahay nya,grabe yung pinagdaanan nya para makabuo ng ganitong mansyon at isa ako sa mga rason kung bakit meron sya nito.
Habang naglalakad-lakad kami ay nagring ang telepono ko kaya kinuha koyun sa bag ko,si kuya..

"Kuya?bakit?!"-Mary (oncall)

"Kakatapos lang ng meeting,may malaking problema tayo,nagpunta ako sa hacienda at wala ka nanaman dun,nasan ka nanaman ba?!"-Kuya (hindi naka speaker ang phone kaya hindi naririnig ni Gabriel ang pimaguusapan namin)

When you Woke up in 1989Where stories live. Discover now