My First Love
By VeraNight
© VeraNight Stories
I N T R O D U C T I O N:
Narasan mo na bang ma-inlove? Yung tipong sa sakit ung tiyan mo sa tuwing lalapit siya, yung para bang natatae ka? O kaya naman yung nauutal ka pag naguusap kayo? Yung halos bukambibig mo na yung pangalan niya buong maghapon na halos ung mga kaklase mo ay natutulig nasayo? Nagkatigyawat kasi nagpupuyat sa kakaisip sa kanya/pagpapantasya. Kasi kung ako tatanungin oo, naranasan ko na yan sa isang tao. Pero ang problema naman sakin ay may pagkatanga ako sa pag-ibig. Kasi naisip ko noon, hindi naman ‘to love kasi nga hindi ko pa naeexperience pero time made me realize what I really feel.
First love never dies sabi nila… Oo totoo yun kasi sabi ng teacher namin kaya ‘first love never dies’ kasi dito mo daw naramdaman kung paano mag mahal at mag sakripisyo. Totoo nga sabi ni ma’am kasi tingnan niyo 2nd year na ako’t lahat lahat di pa rin ako makamove on sakanya. Hay, pag-ibig nga naman. Mapaglaro pag pinagsama sila ng tadhana. Yung tipong kanina pa ako dada ng dada pero hanggang ngayon you don’t have an idea kung sino ako. Shunga lang ‘teh? I’m Maria Gale Santos. Currently a 2nd year student na hindi makamove on sa aking first love. At sana maaliw kayo sa kwento ko
-----------
Edited Version ♫♪