CHAPTER 23

34 0 0
                                    

“Nurse!” malakas na sigaw na narinig ni Cayle nang unti-unti niyang imulat ang mga mata.

Napakurap-kurap siya nang masilaw sa ilaw na nasa kisame. Malabo ang paningin niya pero alam niyang nasa hospital siya. Bumaling siya sa gilid at nakita niya ang isang tao na nakahawak sa kamay niya at panay ang paghalik doon.

“Y–Yael?” nauutal ang boses niya at pinilit na igalaw ang kamay para mahawakan ang kamay ng kaibigan.

“Nurse!” sumigaw pa ito at tumingin muli sa kaniya. “Cayle! Salamat sa diyos at nagkamalay ka na!” malakas na sigaw nito.

Unti-unting luminaw ang paningin niya at nakita niya ang doktor at nurse na nakapaligid na sa kaniya. Pakiramdam niya ay hinang-hina siya at hindi niya maigalaw anumang parte ng katawan niya.

Nakahinga siya ng maluwag nang maisip niya na nakatakas na sila ni Yael mula kay Valerian at sa masama nitong balak.

“Cayle?” narinig niya ang tinig ni Yael at lumapit ito sa kaniya nang makaalis na ang mga doktor. “Naririnig mo ba ako?” tanong ng kaibigan.

Ngumiti siya. “Yael,” tanging lumabas sa bibig niya at pinilit na tumingin sa kaibigan. “nagawa natin, nakatakas tayo sa kaniya.” mahinang saad niya.

“Saan?” tanong ni Yael sa kaniya at mukhang nagtataka ito.

Nagtaka siya dahil imposibleng makalimutan ni Yael ang nangyaring impyerno sa kanila sa kamay ni Valerian.

Ikinulong sila nito sa yate at balak pang patayin si Yael kapag nakarating sila sa Isla. Buti na nga lamang at natulungan sila ni Lemuel, kung hindi ay baka hindi lang iyon ang inabot niya at tuluyan ng namatay pati si Yael.

“Hindi mo natatandaan?” tanong niya habang nanghihina ang katawan niya, nararamdaman parin niya ang mahigpit na kapit ni Yael sa kamay niya.

Naramdaman niya ang hawak ni Yael at marahan nitong hinagod ang noo niya. “Magpahinga ka na muna, Cayle.” anito at ngumiti pa sa kaniya.

Wala siyang ibang magawa kun’di ang gawin ang sinabi ng kaibigan. Pakiramdam niya kasi ay pagod na pagod siya at hindi niya maigalaw ang buong katawan niya.

Siguro ang pagbaril ni Valerian ang dahilan ng lahat ng nararamdaman niya. Masakit ang lahat pati ang puso niya, akala niya ay si Valerian na ang lalaking pinapangarap niya pero nagkamali siya. Si Valerian ang taong ayaw niyang makasama sa tana ng buhay niya.

...


“Cayle, maraming salamat sa diyos at buhay ka, anak ko.” anang Nanay niya at niyakap siya nito habang nakahiga parin siya dahil hindi niya maigalaw ang katawan maliban sa kamay at paa niya.

Ngumiti siya. “‘Nay, matagal pa ang buhay ko. Kailangan ko pa kayong alagaan ni Tatay.” sagot niya.

“Tatay?” nagtatakang tanong ng nanay niya. “anak, sampung taon nang wala ang ama mo. Nakalimutan mo na ba?” tanong ng nanay niya.

Nagtaka siya at kumunot ang noo. Ngayon ay nagsisimula ng sumakit ang ulo niya. Naguguluhan ba siya? O sadyang nakalimutan niya lang ang ibang bagay dahil sa pagkabaril sa kaniya ni Valerian?

“Tita, sabi ho ng doktor baka maapektuhan ang memory ni Cayle dahil sa nangyari,” ani Yael na nasa gilid rin niya at nakatingin lang sa kaniya habang nakangiti. “nagpapasalamat talaga kami na nagising ka na, Cayle.”

Kumunot ang noo niya. “Yael, si Lemuel, nasaan siya?” tanong niya sa lalaki.

“Lemuel? Sinong Lemuel?” nagtatakang tanong nito sa kaniya at ngumisi. “Naku, ikaw talaga Cayle, huwag ka ngang magbiro ng ganiyan!” dagdag pa nito.

CHAINEDWhere stories live. Discover now