CHAPTER 22

40 0 0
                                    

“Bakit kailangan mong idamay si Yael?” tanong ni Cayle habang nakaupo siya sa sahig.

Si Valerian ay nakaupo sa kama at nakatitig lamang sa kaniya. Hawak-hawak nito ang kadena na naka-kabit sa paa niya.

“Wala siyang kinalaman dito!” sigaw niya at tumingin sa lalaki habang namumuo na ang mga luha sa mga mata niya. “Kung ako ang gusto mo, ako na lang! Huwag mo ng idamay ang mga kaibigan ko!”

Huminga ng malalim si Valerian at ibinalik ang pagkakatali niya sa kama at nilagyan iyon ng pad lock. “Kung hindi naman nakialam ang kaibigan mo,” lumapit sa kaniya ang lalaki at hinawakan nito ang pisngi niya. “hindi naman tayo aabot sa ganito.”

Iniwas niya ang mukha mula sa lalaki pero hinawakan nito ang leeg niya at pinagtagpo ang mga mata nilang dalawa.

“Don’t worry,” pang-aayo sa kaniya ng lalaki at ngumiti habang panay ang paghaplos nito sa pisngi niya. “you won’t be bored anymore, you have Yael to talk with.”

“Monster!” malakas na sigaw niya at dinuruan sa mukha si Valerian dahilan para lumayo ito sa kaniya. “Ano bang nagawa namin sa’yo para gawin mo ‘to?! Ha?!” malakas na sigaw niya at nagpupumiglas dahil itinali ng lalaki ang kamay niya sa likuran niya gamit ang lubid.

“I trusted you,” he added. “I loved you, I was willing to sacrifice everything for you. Tapos, ito ang gagawin mo sa’kin?!” malakas na sigaw niya at napangisi. “I was so stupid for falling inlove with someone like you!” sigaw niya muli sa lalaki.

Napangisi naman ito at tumingin sa kaniya. “I love you!” sigaw ng lalaki at inihilamos ang palad sa mukha. “Kaya ko ‘to ginagawa kasi mahal kita.”

“If this is how you love then,” lumunok siya. “I don’t want it.”

Lumapit sa kaniya si Valerian at umupo din ito sa sahig para magtama ang mga mata nila. “Ano bang dapat kong gawin para maniwala ka sa’kin na mahal kita?” tanong ng lalaki sa kaniya.

“Valerian, huwag mo nga akong gawing tanga.” sagot niya at ngumisi.

“Kung mahal mo ako hindi mo ako kayang saktan.” ani Cayle at tumingin sa lalaki. “Kung mahal mo ako hindi mo kayang tiisin na makita akong naghihirap, nasasaktan at umiiyak.”

Hinawakan ni Valerian ang pisngi niya at tumitig sa mga mata niya. “Kung mahal mo ako maiintindihan mo kung bakit ko ‘to ginagawa, Cayle.” sagot ng lalaki.

Lumbas si Valerian ng kwarto at hindi naman siya nito ginalaw kaya nagpapasalamat siya. Tinanggal na rin ni Valerian ang lubid na nakatali sa kamay niya at inihiga pa siya nito sa kama bago umalis.

Hindi na alam ni Cayle kung ano ang mararamdaman niya. Ngayon, nandito si Yael, kasalanan niya kung bakit nadawit pa si Yael sa katangahan niya.

Hindi niya mapapatawad ang sarili niya kapag may nangyaring masama sa kaibigan na sinamahan siya sa lahat ng buhay.

Habang-buhay niyang pagsisihan ang lahat ng desisyon niya.

“Cayle?” narinig niya ang tawag ni Lemuel at kumatok muna ito sa pintuan bago iyon buksan.

Pumasok si Lemuel at nakatingin lamang siya sa lalaki. “Ano’ng ginagawa mo dito?” tanong niya habang nagpahid ng luha sa mga mata.

“Gusto lang sana kitang makausap,” ani Lemuel at hinawakan ang kamay niya at may inilagay na susi roon kaya napakunot naman ang noo niya. “Hindi ko na kaya ang ginagawa sa’yo ni Valerian, hindi ako pinapatulog ng konsensya ko.”

Huminga ito ng malalim at panay ang pagtingin sa pintuan. “Malapit na tayo sa Isla at balak ni Valerian na patayin si Yael bukas, kailangan makaalis kayo Cayle.” anito at halatang kinakabahan dahil nanginginig ang kamay nito na nakahawak sa kaniya. “Susi ‘yan ng yate ko sa Isla, may pangalan ko ‘yon kaya madali mong makikita. Pero, mag-iingat kayo. Umalis kayo ni Yael na walang nakakakita sa inyo, lalo na si Valerian.”

CHAINEDWhere stories live. Discover now