Five years later...
"Nasaan ka na?" tanong ni Yael sa kaniya mula sa telepono habang nasa loob siya ng cake shop at nakita niya ang dami ng nakapila.
Napabuntong-hininga na lamang si Cayle habang panay ang pagtingin niya sa oras. "Nandito parin ako, marami kasing umo-order ngayon."
Narinig niya ang buntong-hininga ni Yael mula sa kabilang linya habang kausap siya nito. "Sabi ko naman sa'yo dapat ako na lang ang pumunta diyan." anang lalaki at alam niyang nangungunsumi na naman ito.
Naisipan kasi niya na bumili ng cake para surpresahin ang nanay niya. Kaarawan kasi niya ngayon at naisipan nila ni Yael na maghanda ng kaunting selebrasyon kahit pa sinabi ng nanay niya na huwag na raw at gastos lang.
Si Yael ang nandiyan para sa kaniya simula pa nung una kaya talaga naman nagpapasalamat siya sa lalaki. Total, kanina nga nung magpaalam siya na bibili siya ng cake ay gusto pa nitong samahan siya pero may iba parin namang inaasikaso ang lalaki kaya sinabi niya na siya na lang.
Marami ang nangyari kay Cayle sa loob ng limang taon, hindi ganoon kadali ang naging buhay niya dahil nakatatak parin sa alaala niya ang nangyari sa kaniya pero araw-araw naman ay kasama niya ang nanay niya at si Yael na laging nagbibilin sa kaniya na hindi niya kailangang ikulong ang sarili sa nakaraan.
Si Yael ay isa rin sa naging katulong niya na patatagin ang sarili niya. He became his reason to live happily everyday, he was the one who helped him get through almost everything.
Nagmamadali naman siyang tumakbo sa pila nang makita niya na unti-unti ng nababawasan ang mga tao.
Sa gitna ng pagtakbo niya ay nakabunggo siya ng isang tao at nabuhusan ito ng kapeng dala niya.
Agad siyang napatigil at napakagat-labi na lang. "Naku! Pasensya na! Hindi ko talaga sinasadya, nagmamadali lang-"
Cayle froze once he saw who the man was, this can't be true. It should be a dream and he's in a comma again.
"It's okay," sagot ng lalaki at magalang na ngumiti sa kaniya. "it's my fault too, I didn't looked the way I'm walking." dagdag pa nito.
Napalunok siya at napakurap-kurap, hindi ito panaginip. Alam ni Cayle na totoo na itong nararanasan niya ngayon.
If this was a dream, he would know him, the guy would say his name.
"I-I'm sorry," nauutal na sagot niya at umiwas ng tingin. "here, take it." alok niya ng panyo sa lalaki.
Ngumiti ito at tumingin lang sa mukha niya habang nagtataka. "I'm sorry but, have we met before?" tanong nito sa kaniya habang nakangisi. "You just look so familiar."
"I-I do get that a lot," nauutal na sagot niya at humigpit ang kapit sa bag na dala niya. "siguro nakasalubong mo ako sa daan, mahilig kasi akong maglakad." kinakabahang sagot niya at natawa.
Kunot-noo siyang tinignan ng lalaki, para itong nagtataka sa mga kinikilos niya. "Are you okay?" tanong nito na puno ng pag-alala. "You look pale."
"Y-Yeah," tumikhim siya at tanging ngiti lang ang naisagot sa lalaki. "I-I'm in a rush, sorry but I should take my leave now." dagdag pa niya at ngumiti sa lalaki.

YOU ARE READING
CHAINED
RomanceCayle Satrian, is trying to live a normal life after his traumatizing experience he had with his previous relationship. His life is about to change when he found himself chained on the bed and all alone on a yacht with a man he doesn't know. R18.