All Rights Reserved ® TheoMamites
"Ermack's POV"
Pumasok na si Danae sa loob ng gawa nitong munting bahay. Sinamahan ko pa nga itong pumasok eh. May division naman kasi sa loob at may isang uri ng halaman na mukhang mushroom ang itsura sa bawat silid. Ito ang naging parang kama niya. Ito ang ikinaganda ng nature vrahl dahil lubhang magagamit ito sa mga ganitong scenario. Nag-alok pa nga ako na tabihan siya eh. Pero syempre biro ko lang yun! Nagalit naman siya kaya napangiti ako. Haha...
.
Muli na akong bumalik sa labas upang ipagpatuloy ang pagbabantay ko. Kasama ko si Ryuben na nakaupo lang sa malapit sa apoy. Rest assured naman na walang makakapasok sa perimeter na nilagay namin dahil sabi ni ama na rare stones daw ang mga ito. Kaya nga ako lang ang meron nito sa aming apat eh. Masyado na akong ginugulat ng mga items na mga nagmula sa mga magulang ko.
.
Ancient Teritorial Stones: A triangle shape stones with ancient runes that grants protection to it's owner. Can be crafted as charm amulet or used as perimeter guard. If used as such purpose it will grant pure unbreachable energy shield that will last up to 12 hours max.
.
Ito ang nakita kong information habang tinititigan ko ang isa ko pang teritorial stone. Pwede pala siyang gawing defensive accessory? Naisip ko tuloy na gumawa ng simpleng pendant gamit ng mga stones. Pero siguro bukas na kasi ginagamit pa namin ang iba eh..
.
"Ano yan? Extrang bato?" tanong ni Ryuben.
"Parang ganon na nga.." sabi ko.
.
"May mga beast activity na malapit dito sa area natin." si Ryuben.
"Don't worry, safe tayo dito. Matibay ang force field natin kahit legendary beast ay di ito kayang sirain." sabi ko.
"Bilib talaga ako sayo Ermack. Ang gaganda ng mga items na dala mo. Matanong ko lang ha, sino ba mga magulang mo?" tanong nito.
"Bakit mo naitanong tol?" ako.
"Wala lang, baka kasi kilala ko. Ibig kong sabihin baka naikwento na ng tatay ko." paliwanag niya.
"Ah... Okay. Ang aking ama ay si Artem la Filius at si ina naman ay Sasha la Filius. Ang alam ko ay mga Armorsmith at Blacksmith sila.
.
"Hmmm... Talaga? Bakit parang hindi mo sila gaanong kilala?" muli ay nagtataka nitong tanong.
.
"Malihim ang mga magulang ko Ryuben. At hindi ko na inaalam yung mga bagay na hindi nila sinasabi sa akin. I believe na may rason kung bakit sila nagiging malihim... Pero sa totoo lang, I kinda wonder na baka hindi lang sila basta tagagawa ng armors at weapon. I think that they're more than that." sagot ko dito.
.
"Sa bagay, tama ka rin naman. Nga pala, hindi pa kita napasalamatan sa ginawa mo para kay Elgor. Kung wala ka, siguro baka-"
"Maliit na bagay lang yun tol. Kayo ang pinakauna kong naging kaibigan. At kahit na anong mangyari hindi ko kayo pababayaan!" pagputol ko sa sinasabi niya..
"Thanks! Ito naman ang maipapangako ko bilang kapalit, I won't turn my back on you! Gusto kong ikaw ang tanghaling pinakamalakas na wizard. Pero siyempre kami dapat ang underlings mo!" nakangiti pero seryosong pagkakasabi nito.
.
"Haha... Ikaw talaga ang dami mong sinabi." napatawa na lang ako..
Marami pa kaming naging usapan hanggang sa mahigit dalawang oras na kaming nagbabantay. Medyo nakadama na kami ng antok kaya minabuti na naming gisingin yung dalawa para sila naman ang pumalit sa amin. Salitan ang naging routine ng pagbabantay namin. Kada dalawang oras ay nagpapalitan ng bantay pero nung tumungtong ang 2am ay natulog na kaming lahat ng sabay. Paumaga narin naman kaya malaman wala na masyadong gagambala sa amin.
BINABASA MO ANG
Wizards Chronicles (The Journey Begins) Cancelled
Science FictionULTARA, a world from a far distance. A world so different to ours. A world full of magic and wonders. A world governed by different laws and regulations or a sophisticated modern technology. Ultara: The World of Wizards! Be part of the quest to beco...