Verse 3: Adventure into the Woods (1)

1.2K 85 1
                                    

All Rights Reserved ® TheoMamites

"Ermack's POV"

"BASTOS!" pagkalakas-lakas na sigaw sabay sapok nito sa mukha ko.

Ah, naburyong na ako sa kaingayan niya kaya ang ginawa ko ay binuhat ito at mabilis na inilabas sa Herus Woods. Baka kung ano pang halimaw ang madistorbo ng boses niya. Hindi ko na inalintana ang pagsuntok-suntok nito sa dibdib ko. Medyo nag-adjust na naman ang systema ko sa suntok niya kaya parang wala na lang sa akin. Nang marating ko ang labas ng woods ay huminto ako sa pagtakbo.

"Bitawan mo nga ako, bastos na wizard!" supladang tono nito.

"Fine," bigla ko siyang binitawan at bumagsak ito sa damuhan. Naglakad ako ng mabagal patungo sa isang puno. Nagsisigaw parin ito at galit sa akin pero di ko pinansin. Narinig kong nakasunod na ang mga kaibigan ko sa amin at pinapakalma na siya.

.

"Binibini, kumalma ka lang. Hindi ka namin sasaktan tsaka pasensiya na sa inasal ng kaibigan namin." dinig kong sabi ni Elgor.

"Iniligtas ka lang namin dun sa mga dumukot sayong centaur at faun." si Froy.

.

"N-nasaan na sila!?" kiming tanong nito sa kanila.

"Tinapos na namin ang mga yun miss." ang sumagot ay si Ryuben.

Lumingon ako sa kanila at nakita kong inabot ni Elgor ang kamay sa kanya. Tinanggap ito ng babaeng elf at tumayo ito at nagpagpag. Ang bait niyang tignan sa harap ng tatlo at mukhang nagpasalamat pa ito sa kanila.

.

Pakialam ko kung mabait siya sa kanila no?! Nananakit pa mukha ko sa sampal niya eh, humanda yang babaeng yan sa akin. Napasandig ako sa puno habang sila ay paparating na sa kinaroroonan ko.

"Uy tol! Bakit mo naman kami iniwan dun?" tanong ni Froy sa akin.

"Pasensiya na tol, nawala sa isip ko eh." sagot ko. Tumingin ako sa mga mata nung elf pero inirapan lang ako. "Tsk!" Hindi ka maganda, hindi bagay...

"Ano na ang gagawin natin? What are we gonna do about her?" tanong uli ni Froy.

.

"Isasama natin siya! Bilang isang SLAVE!" tahasan kong sagot.

"ANO?" sabay-sabay na tanong nilang apat.

"Wag nga kayong sumigaw! Sasabog yata ang eardrums ko eh. Elementals and Wizards are enemy race kaya yun dapat ang setting natin kung isasama natin ang babaeng yan." sabi ko.

"Hindi ako sasama, kaya ko na ang sarili ko." matigas na sabi nito sa akin.

"Hindi pwede, I risked my life saving you! I won't let you walk away just like that!" tapos ngumiti ako ng nakakaloko sa kanya.

.

"May isang active quest tayo nung nailigtas natin siya. Any idea about it guys?" si Ryuben ang nagsalita totally ignoring my last words.

"Sa tingin ko may kinalaman yang elf na yan sa quest." sagot ko.

.

Nagpahinga na lang muna kami sa meadow at kinausap nila Froy ang babaeng elf. Nalaman ko ang pangalan nito. Siya si Danae (da/na/ye). Yun lang ang mga sinabi niya at parang ayaw nitong sabihin sa amin ang tunay nitong pagkatao. Pero batid kong may nililihim pa siya tungkol sa pagkatao niya.

Tsaka yung quest ay wala din masyadong details. Sinasabi lang doon na puntahan namin ang elven land. Siguro dahil sa babaeng elf na kasama namin.

"May pamilya ka pa ba?" direkta kong tanong kay Danae.

Wizards Chronicles (The Journey Begins) CancelledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon