CHAPTER 01

11 3 0
                                    


"Tadaima~"



"Okaeri, Mie-cha----Doushita no?!"



Pagkahubad na pagkahubad ng sapatos ni Damien ay napatingin siya agad sa kaniyang lola na sumalubong sa kaniya sa may pintuan habang binibigyan niya ito nang blankong emosyon. Napatingin din naman ang lola sa kaniyang apo na tila'y nagtataka pa ito kung bakit siya ganito makatingin.



"Nani?"



"Wakarimasen..." tugon naman ni Damien.



"Ah! Gomene! Gomene!—what I mean is what happened to you? Your trouser were dripping wet," wika naman ng kaniyang Lola. Agad namang hiningi ni Damien ang kamay nito upang mag-mano para makapagbigay galang dito. "And you smells like the sea—did you go to the nearest beach here in Hokkaido?"



"Well, yes, I did," sagot naman ni Damien at agad na rin siynag naglakad papasok sa loob ng bahay.



"Did you cut your classes again?" seryosong tanong naman ng kaniyang lola dahilan para mapahinto siya sa paglalakad sabay lingon dito habang may hindi ito maipaliwanag na tingin. "Damien?"



"Well, I won't gonna do it again—"



"Yeah, you better not," wika ng lola na tila'y may pagbabanta sa tono ng kaniyang pananalita. "It's already summer, Damien, you should be serious about your study. You're an upcoming college student. I know you don't wanna inherit our family business but what about your father's future plans for you? You're not a kid anymore, act based on your age, you're on your own."



"My future has nothing to do with him."



Napabuntong hininga si Damien at nag-bow na siya sa kaniyang lola bilang pagpapaalam dito na mauuna na siya umakyat sa taas upang makapagpahinga na. Naglakad na ang binata palapit sa may hagdanan at naglakad na siya paakyat dito habang ang kaniyang lola naman ay naiwang nakatayo pa rin malapit sa may pinto habang pinapanood siya nito. Napahalukipkip naman ang matanda sabay buntong hininga na tila'y pinapakalma niya ang kaniyang sarili at baka kung ano pa ang magawa niya para lang tumino ang lalaking iyon.



"You're truly his son, should I be glad?"



Pagkapasok na pagkapasok ni Damien sa kaniyang silid ay agad siyang dumeretso sa kaniyang kama atsaka siya nahiga rito kahit hindi pa siya nagpapalit ng damit. Napatingin siya sa kisame at pilit na prinoseso ang mga sinabi ng kaniyang lola kanina na may punto naman ngunit siya lang itong may ayaw tumino. Hindi naman ganoon ka-istrikto ang kaniyang lola pero siya ang nagsisilbing CCTV ng kaniyang ama para lang mabantayan siya. Malaya man siya rito sa Japan ngunit pakiramdam niya ay nakatali pa rin siya sa kaniyang ama kahit ito ay nasa Pilipinas.

𝗟𝗢𝗩𝗘 𝗔𝗡𝗗 𝗛𝗘𝗔𝗧𝗛Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon