CHAPTER 15

6 3 0
                                    


"Eh? Bahay niyo rin to?"



"Bahay ni Papa."



Hindi maiwasan ni Ren na mamangha nang makita niya ang interior design ng maliit na bahay na ito. Hindi siya makapaniwala na ganito kaganda ang taste ng ama ni Damien pagdating sa mga bahay na nais niyang tirhan. Nauna na pumasok sa loob ng bahay si Damien at nang mapalingon siya kay Ren ay hindi niya maiwasan na mapabungisngis nang makita niya ang naging reaksyon nito nang makita niya ang loob.



"What's with that face?"



"Oh!" mabilis na nagising naman ang diwa ni Ren nang marinig niya ang tanong ni Damien. "You guys have a good taste in terms of aesthetics. I'm so amazed."



"Thank you..." pasasalamat naman ni Damien sabay lakad papunta sa may salas at binuksan niya naman ang ilaw rito. "Tuloy ka."



"Sorry for intruding!" wika muna ni Ren bago siya tuluyang maglakad papasok sa loob ng bahay at sinundan niya na rin si Damien sa salas kung saan ay naabutan niya na itong nakaupo sa sofa habang nakapikit na tila'y antok na antok na ito. "Sigurado ka bang ayos lang na mag-stay muna tayo rito hanggang bukas?"



"Yup," sagot naman ni Damien sabay tingin kay Ren na hanggang ngayon ay nakatayo pa rin. "Have a sit."



Hindi maiwasan ni Ren na mamula nang makita niya kung gaano nakakaakit ang mukha ni Damien effortlessly. Parang ni minsan sa kaniyang buhay ay hindi pa ito nakakaranas kung paano maging panget ang itsura kahit noong bata pa. Inaalagaan talaga siya nang maayos nang kaniyang mga magulang. Iniingatan na tila'y isa itong itinatago-tagong kayamanan ng kanilang pamilya.



Hindi na nagdalawang isip si Ren na umupo sa tabi ni Damien at agad siyang sumandal sa balikat nito na siyang akbay naman ni Damien sabay ayos nang kaniyang pagkakaupo upang mayakap niya nang maayos si Ren. Agad na nakaramdam nang paggaan ng pakiramdam si Ren na tila'y sa tagal nang panahon, ngayon niya lang ulit nalaman kung ano ang feeling ng isang yakap sa isang komportableng lugar tulad ng bahay na ito.



"One thing I love about you..." panimula ni Ren kasabay nang pagsiksik niya pa sa dibdib ni Damien. "Sayo ko lang ulit naramdaman ang pakiramdam na katanggap-tanggap ako... alam ko na gusto mo kong layuan noon ngunit pakiramdam ko lagi mo kong hinihila papalapit sayo kahit saan ka man magpunta. Natuwa ako noong onti-onti ka nang nagiging open sa akin, I've been waiting patiently, and mas natuwa ako nung ako na ang nasa lowest state of my life... you never leave me... instead you stayed with me in the dark and cold abyss of my pain."



"Bolero," tanging komento naman ni Damien habang nakapikit na tila'y onti na lang ay makakatulog na siya dahil sa antok. "Sinasabi mo lang naman yan kasi alam mong nagseselos ako."

𝗟𝗢𝗩𝗘 𝗔𝗡𝗗 𝗛𝗘𝗔𝗧𝗛Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon