CHAPTER 08

5 3 0
                                    


Why did I cry anyway?



Hindi maiwasan ni Ren na mapatanong muli sa kaniyang sarili nang maalala niya ang naging performance niya kanina sa theatre habang siya ay naghuhugas ng kamay sa comfort room. Napatitig siya sa kaniyang kamay at naalala niya rin ang pakiramdam na tila'y ayaw niya nang tumigil sa pagtugtog ng piano, hindi niya ito makontrol, tila'y may sarili itong buhay. Kalokohan... Nababaliw ka na ba, Ren? Ipinagpatuloy niya na lang muli ang paghuhugas ng kaniyang kamay ngunit habang tumatagal ay onti-onti na namang nangingilid ang luha sa kaniyang mga mata nang onti-onti ring may bumabalik sa kaniyang mga alaala.



"Please don't leave me..." a familiar voice said on the top of his mind. The memory was so vivid like it just happened yesterday. His hands can remember its soft palm holding him while they both play the piano. His skin can remember his presence beside him. His heart can remember him well. That smile that he got while looking at him, that ocean eyes, his silky black long hair, the smell of cigarette smoke lingering on his clothes, and the way he kissed him quickly at the cheeks and then focused at playing the keyboard again. "I would die for you... only for you..."



"Why are you crying again?"



Agad na nagulat si Ren nang may biglang nagtanong sa kaniya dahilan para mapatingin siya rito at bumungad sa kaniya si Damien na nakatingin sa kaniya na tila'y nagtataka kung bakit na naman siya umiiyak. Hindi niya ito masagot, hindi niya alam kung paano ilabas itong nararamdaman niya ngayon, pilit siyang kinukulong nito. Nais niyang humingi ng tulong ngunit bakit pakiramdam niya ay napakalayo ng lahat sa kaniya? Sino ang aabutin niya? Paano siya makakaalis sa madilim na lugar na ito?



Hindi na hinintay ni Damien na sumagot si Ren at agad niyang kinuha ang kaniyang panyo mula sa bulsa ng kaniyang trouser atsaka ito inabot sa kaniya ngunit hindi man lang ito binalingan ng tingin. Nakatitig lang sa kaniya si Ren habang lumuluha pa rin na tila'y ibang tulong ang kailangan niya ngayon. Hindi niya na ito tinanong pa muli at agad siyang lumapit dito upang siya na ang gumawa sa pagpupunas sa luha nito dahilan para mas lalong maiyak si Ren.



"It's alright..." mahinahon na bulong naman ni Damien sabay hawak sa kamay ni Ren upang ipadama rito na hindi siya nag-iisa. "Sometimes, we have to cry to let our heavy heart to light."



"I miss who I used to be... this is not me..." wika naman ni Ren habang umiiyak pa rin hanggang siya'y mag-squat down upang mas mapakalma pa ang kaniyang sarili. "I'm so mad... I can't look at anything the same way that they used to be... I wanted to point a finger who made me like this... pero sino... sino..."



For a moment, I thought I was the only one who's suffering in pain the most... and then... I saw the person, who has the brightest presence among all, crying because of this pain that he couldn't blame to anyone. Standing in front of him, nasasaksihan niya kung paano ito ka-down ngayon, how could he help him? If he was him, ano bang gagawin niya?

𝗟𝗢𝗩𝗘 𝗔𝗡𝗗 𝗛𝗘𝗔𝗧𝗛Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon