7. Kiss

1.4K 114 11
                                    

Jose's POV

Palingon lingon akong pumasok sa room namin. Hindi daw papasok ang dalawang kaibigan kong kolokoys. Magka-cut sila ng class para makipagkita sa bagong girl ni Billy.

Palagi naman akong sumasama sakanila sa galaan at pagka-cut ng class pero umayaw ako ngayon. I don't know why but I want to see her.

Maybe I want to see Ana para maasar ko sya. Yun lang!

"Pst! Tutoy!" nagulat ako nang may tumawag saken mula sa likod ko. At mukhang alam ko na kung sino yun.

Si Ana nanaman. Ang aga mang-asar!

"Oy Tutoy!" aba! Inulit pa!

Nilingon ko ang babaeng tumawag saken. Then I saw her laughing at me.

"Ana! Will you please stop calling me Tutoy!" galit kong singhal sakanya.

Nakakahiya! Nasa loob pa naman kami ng classroom tapos tatawagin nya akong Tutoy. Lahat tuloy ng classmate namin nakatingin na saming dalawa.

"Ayoko nga. Hahaha ikaw si Tutoy! Hi Tutoy! Tutoy? Tu-toy!!!" parang bata nyang sabi. Nang-aasar pa ang baliw na babaeng 'to.

Nilapitan ko sya at hinawakan sa dalawang braso. Nakangiti padin sya ng nakakaloko sakin. Lihim akong napalunok.

Please, wag kang ngumiti!

"Please, shut up." seryoso kong sabi. Nakangiti padin sya.

"Uhm.... Tu---toy?" pagkasabi na pagkasabi nya nun ay agad ko syang sinunggaban ng halik sa labi. Nagpalakpakan naman lahat ng mga kaklase namin.

Nakita kong natulala sya nang humiwalay ako sa halik.

"Sabi ko sayo, shut up eh." bulong ko sabay ngiti.

*Paaak!*

Sinampal nya ako. Ang sakit!

At parang bigla akong natauhan nang makita kong naluluha sya.

"A-Ana, I-I'm sorry---"

Hindi ko na natapos ang pagsosorry ko nang bigla syang tumakbo palabas ng room. Agad namang sumunod si Anne sakanya.

Damn! Anong ginawa ko?! Hindi ako nakapagpigil!

= = = =

Agad kong hinanap si Ana nung nagbreaktime kami. Hindi sila pumasok ni Anne sa dalawang subject namin. At sa dalawang subject na yun, si Ana lang naiisip ko.

Gusto kong magsorry sakanya.

Bigla kong naalala yung nangyari kanina. Hindi nya ba nagustuhan yung kiss ko kaya nagalit sya? Buti nga yung crush na nya humalik sakanya eh.

Pakipot pa kasi si Ana. Alam ko namang crush nya ko.

Napatigil ako sa paglalakad nang makita ko si Ana sa ilalim ng puno sa garden. Mag-isa lang sya kaya minabuti kong lapitan na sya.

Malapit na ako sa puno ng biglang lapitan ni Coco si Ana. Binilhan nya pala ng juice si Ana. Siguro kanina pa sila magkasama.

Tss. Kaya pala hindi na pumasok. Nagtataksil na sya sa crush nya.

Inis akong umalis at nagtungo sa sasakyan ko para sumunod nalang kila Vhong at Billy. Wala na ako sa mood pumasok sa next subject.

= = = =

General POV

Kasalukuyang naglalaro ng bilyar sila Jose, Vhong at Billy sa mansion ng mga Viceral. Habang naglalaro sila Vhong at Billy ay halata naman ang pagkabalisa ni Jose at panay inom lang ito ng vodka.

"Kuys! Mukhang may problema ka ha." puna ni Vhong kay Jose.

"Baka broken hearted!" segunda naman ni Billy.

"Broken hearted?! Sa dami ng may gusto dyan, mabobroken hearted pa ba yan?!" sagot naman ni Vhong sabay nagtawanan ang dalawa. Nilingon naman sila ni Jose.

"Mga Kuys.. Iniisip ko lang kung paano ko mapapahiwalay si Coco kay Ana." seryosong sabi ni Jose. Napakunot noo naman sila Vhong at Billy.

"Bakit naman Kuys? Hayaan mo nalang silang dalawa. Kapag sinaktan ni Coco si Ana edi nakaganti ka na kay Ana sa mga paninipa nya sayo." sabi ni Billy.

"Oo nga Kuys.. Diba galit ka sakanya simula pa nung first day?" curious na tanong ni Vhong.

"Of course not! Naiinis ako sakanya pero hindi ako galit sakanya. In fact, gusto ko na yata sya." nakangiting pag-amin ni Jose.

"Owwwwsss?" sabay na sabi nila Vhong at Billy.

"Para kayong sira!" natatawang sabi ni Jose dahil sa reaksyon ng mga kaibigan.

"Di nga Jose? May gusto ka na kay Ana?" tanong pa ni Billy. Tumango tango naman si Jose.

"Kung ganun.. Edi umpisahan na natin ang operation ihiwalay si Coco kay Ana!" sabi ni Vhong sabay apir kay Billy.

"Good! Tulungan nyo ko kase alam naman nating lahat na hindi sya seseryosohin ni Coco. Ayokong masaktan sya."

"Naks! Si Tutoy pumapag-ibig na!" pambubuyo ni Vhong.

"Iiyak ang mga Pabebe girls nito!" si Billy sabay tawa ng malakas.

= = = =

"Goodmorning class!" bati ni Sir Ernie.

"Walang good sa morning Sir!" bati ni Jose nang makapasok ito mula sa pintuan ng room nila.

"Jose! Late ka nanaman!" pagalit ni Sir Ernie.

"Si Sir talaga, hindi ka pa ba sanay?" blankong sabi ni Jose habang patungo sa tabi nila Vhong at Billy.

Ngunit bago sya makarating sa upuan nya ay ningitian nya ng matamis si Ana. Inirapan naman sya ng huli.

"Galit padin sya sakin dahil sa kiss ko. Tsk." sa sarili ni Jose.

"Uy Ana, ningingitian ka ni Jose." bulong ni Anne.

"Hayaan mo sya. Ayokong masira ang araw ko." walang reaksyong sabi ni Ana.

"Okay class, I have an announcement." panimula ni Sir Ernie.

"Magreresign na kayo Sir?!" biglang tanong ni Anne kaya nagtawanan ang mga kaklase nila.

"Of course not Miss Curtis! Hindi ko iiwan ang GGV highschool." bigla namang nalungkot ang itsura ng buong klase.

"Cheer up class! I want to announce na malapit na ang Mr. & Ms. GGV highschool! At kailangan natin ng representative sa klase natin." excited na sabi ni Sir Ernie.

"Sir! Si Anne nalang!" suggest ni Vhong kaya bigla syang sinikmuraan ni Anne.

"Gusto mo, sapakan nalang tayo? Trip mo nanaman ako ha!" inis na sabi ni Anne.

"Thanks for suggestion Navarro. Pero may napili na ako.. Viceral and Tatlonghari will be our representative for Mr. & Ms. GGV highschool."

"What the!" gulat na sabi ni Ana.

Napaapir naman si Jose kila Vhong at Billy.

"Dream come true 'to Kuys!" kinikilig na bulong ni Vhong.

"Gagi! Wag nga kayong ano dyan!" kunot noong bulong ni Jose.

"Bakit? Ayaw mo ba yun Kuys?" tanong ni Billy.

"Gusto.. Kinikilig lang ako." sabi ni Jose sabay tulak kila Vhong at Billy.

.

.

.

to be continued....




My Mortal Enemy (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon