11. Twinkle twinkle little Star

1.4K 102 11
                                    

Pagkatapos makipagkita ni Jose kay Ana ay dumiretso na sya sa condo ni Liz. Tahimik lang syang nakaupo sa sofa habang naghahanda ng pagkain si Liz.

"Ana, I like you."

"Gusto kita Ana Karylle. Everything about you, gusto ko. Kahit yang kabaliwan mo, gustong gusto ko yan. Hindi ko alam kung paano, pero gustong gusto na kita. From the first day na nakita kitang kinakausap mo yung mga bulaklak sa garden ng school, gusto na kita. Sana pumayag kang ligawan kita."

"Huy Ana! Ano na? May sasabihin ka ba? Anong sagot mo?"

"Uhm Jose, ah eh.. Pano pa ba 'to? Ano kase eh, uhm p-pwede bang pag-isipan ko muna? Bukas. After ng Mr. & Ms. GGV. Sasabihin ko sayo ang sagot."

"Oo Ana. I'm willing to wait. Bukas, darating ako. Pangako."

Natulala nalang si Jose habang inaalala ang huli nilang pag-uusap ni Ana bago sya tumungo ng US.

"I broke my promise. I'm sorry." wala sa loob na sabi ni Jose.

"What? Anong promise Hon?" bumalik nalang sa kasalukuyan ang isip ni Jose nang magsalita si Liz.

"Huh? Nothing Hon." sabi ni Jose bago niyakap sa bewang si Liz at hinalikan ito sa noo.

"Uhm Hon, may meeting ako bukas sa gagawa ng wedding gown ko. Gusto mong sumama?" tanong ni Liz.

"I'll check my schedule. Kung wala akong meeting, sasama ako sayo." napangiti naman si Liz at hinalikan si Jose sa labi. "I love you Hon."

"I---" hindi na natapos ang sagot ni Jose nang biglang tumunog ang phone nya.

*0909******* calling...*

"Hello?"

"Hello Mr. Viceral. This is Architect Karylle, this is my number. Isave mo nalang." mataray ang tonong sabi ni Ana. Natuwa naman si Jose dahil sa tawag ni Ana sakanya. Lumayo sya ng kaunti kay Liz at excited na nagsalita.

"Ana--"

*tooot tooot*

"Hala. Pinatay." nakangusong sabi ni Jose.

Muli nanamang tumunog ang phone ni Jose kaya mabilis nyang sinagot ang tawag.

"Hello Ana!"

"Anong Ana ka dyan? Si Vhong 'to!" natatawang sabi ni Vhong.

"Ay sorry Kuys. Napatawag ka?" disappointed na sabi ni Jose. Rinig nya pa ang malakas na tawa ni Vhong.

"Wala naman.. Kukumustahin ko lang yung Architect na pinadala ko."

"Magkita nalang tayo. Magpapaalam lang ako kay Liz tapos pupunta na ako dyan sa condo mo."

"Sige lang Kuys. Nandito din si Billy tsaka si Ana." natatawang sabi ni Vhong.

"Nandyan si Ana? Hindi nga?" gulat na sabi ni Jose.

"Joke lang!" bigla nalang pinatay ni Jose ang tawag dahil sa inis. Nahopia sya eh.

Agad naman syang nagpaalam kay Liz para pumunta kay Vhong.

= = = =

"Ang ganda nya Kuys! Yung feeling na bigla nalang akong natulala kasi nakakita ako ng anghel na bumaba sa lupa pero pang demonyo ang ugali sa kasungitan." malaki ang ngiting pagkwento ni Jose sa mga kaibigan.

"Ayan ka nanaman Viceral. Alalay sa damdamin. May Liz ka na." paalala ni Billy. Nawala naman ang malaking ngiti sa labi ni Jose.

"Alam naming may feelings ka dati kay Ana-- este Architect Karylle. Pero dapat kalimutan mo na yun kasi ikakasal na kayo ni Liz." gatong naman ni Vhong kaya mas lalong gumusot ang mukha ni Jose.

"Kung makapagremind naman kayo sakin. Nagandahan lang naman ako kay Ana. Tsaka, hindi ko nakakalimutan na may girlfriend ako." nakaramdam naman ng guilt si Jose sa sinabi nya dahil ang totoo'y nakalimot sya noong magkita sila ni Ana.

"Naninigurado lang kami Kuys. Kaya kung ako sayo, papatayin ko na kung ano mang muling namumuong damdamin mo. Kailangan kapag nagkikita kayo, para sa trabaho lang." muling paalala ni Billy. Napaisip naman si Jose.

"Tama Jose. Trabaho lang. Hindi mo na sya gusto. Ikakasal na kayo ni Liz. At si Liz ang mahal mo." sa sarili ni Jose.

= = = =

Ilang araw nang busy si Ana sa paggawa ng plano ng resort ni Jose. Hindi sya makapagfocus dahil bigla bigla nalang lumilitaw sa utak nya ang mukha ni Jose sa tuwing nag-iisip sya ng gagawin sa resort. Naiinis naman sya sa tuwing naaalala nya ang mukha ni Jose dahil minsan ay naiimagine nya din na katabi nya ang binata sa upuan o kung saan man sya mapunta.

"Kahit kailan talaga Jose, daot ka sakin. Paano ko matatapos 'tong ginagawa ko kung bigla bigla kang sumusulpot?!" inis na bulong ni Ana. Inis nyang bintawan ang lapis na hawak nya.

"Hindi na dapat ako pumayag sa offer ni Vhong eh! Hindi dapat ako gumagawa nitong resort mo!.. Kasi galit ako sayo!" parang baliw na sigaw ni Ana. Mag-isa lang sya sa condo nya kaya wala naman makakarinig sa sigaw nya.

Tumayo sya sa office chair nya at lumipat sa sala. Padabog syang umupo sa sofa at hinilamos sa mukha ang palad. Pagkasandal nya sa sofa ay nakita nanaman nya ang imahe ni Jose na katabi nya at nakangiting nakatingin sakanya.

"Ayan, nandyan ka nanaman. Wag mo nga akong ngitian! Sunod ka ng sunod sakin, crush mo ko no?!" parang sirang sabi ni Ana sa imahe ni Jose. Bigla naman syang natawa. "Tss. Mababaliw na ko!"

Pumikit si Ana at huminga ng malalim bago pabulong na kumanta.

"Twinkle twinkle little star. Jose may saltik, maglaho ka na." kanta ni Karylle bago unti unting dumilat.

Napangiti sya dahil wala na ang imahe ni Jose sa tabi nya.

"Time to work again! Kapag nanggulo ka pa Saltik, may sapak ka sakin!" banta sa hangin ni Ana bago tumayo sa sofa.

*Dong! Yan!* (Doorbell yan. DongYan fanatic kase si Ana. Chos!)

Agad na nagtungo si Ana sa pintuan ng condo nya.

"Sino naman kayang istorbo 'to?" sabi pa ni Ana bago buksan ang pintuan. Nagulat naman si Ana nang makita kung sino ang tao sa labas ng pintuan.

"Ikaw nanaman!" singhal pa ni Ana bago bigyan ng isang malakas na suntok si Jose.

"OUCH!!!" daing ni Jose habang sapo ang mukhang sinuntok ni Ana. "Anong ako nanaman?! Ano bang ginawa ko sayo?"

Napanganga si Ana sabay takip sa bibig nang marealize na hindi pala imagination ang Jose na kaharap nya.

"OMG! Sorry!"

.

.

.

to be continued...





My Mortal Enemy (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon