2. Bully Jose

2.1K 116 14
                                    

Ana's POV

After kong ilagay ang iba ko pang mga gamit sa locker ko ay patakbo na akong nagtungo sa classroom namin. Ayokong malate ngayong first day. Lalo na't new student ako at wala pa akong kilala sa klase.

Habang naglalakad ako patungo sa classroom ay bigla ko nanamang naalala yung nangyaring aksidente kanina. At yung mukha ni Mr. Sungit. Nagpalinga linga ako sa paligid.

Naku! Wag ko na sana sya makita ulit.

Nakaramdam ako ng kaba bago pumasok ng classroom. Bigla nalang tumulo ang pawis sa pisngi ko kaya kinapa ko ang panyo ko sa bulsa ng palda ko. Ngunit wala akong nakapa. Oo nga pala, kinuha nung Mr. Sungit na yun yung panyo ko. Favorite panyo ko pa naman yun.

Pinunasan ko nalang ng palad ko ang pisngi ko bago binuksan ang pintuan ng classroom. May ilang mga tao nadin sa loob pero wala pa ang teacher namin. At lahat sila nakatingin sakin.

Ang ganda ko kase. Hihi.

Ngumiti ako sakanila at naghanap na ng magandang pwesto ng upuan.

"Uy chicks! Dito ka na umupo oh!" sabi nung isang babae? ay mali lalake? ay basta tao na nakaupo sa may gilid.

Maputi ito at makinis. Maganda sya at the same time pogi din. Nilapitan ko sya.

"Dito ka na oh." yaya ulit nya sabay tap ng upuan sa tabi nya.

"Uhm... Wala bang nakaupo dyan?" tanong ko.

"Malamang wala, kaya nga inaalok ko sayo di ba?.. Hay nako, pasalamat ka, maganda ka." natatawa nyang sabi. Natawa nadin ako.

"Oo nga pala, I'm Anne Curtis-Smith, you can call me Anne or Andrew ang that's my tomboy ng GGV Highschool!" pakilala nya. Sabi ko na nga ba eh. Ang gwapong tomboy nito.

"Hi Anne.. I'm Ana Karylle Tatlonghari.. New student ako dito."

"Ahh kaya pala hindi pamilyar ang ganda mo sakin.." sabi nya.

"OMYGAD GIRLS!!! NANDYAN NA ANG GGV BOYFRIENDS!!!" nagulat ako sa tili ng babaeng pumasok sa classroom namin.

"EMEGERD!!! KAKLASE NATIN SILA?!!!" tili pa nung isang babae.

Napatingin ako sa kanila. Nakita kong kilig na kilig din ang iba ko pang kaklaseng babae.

Anong meron?

Maya maya pa ay may pumasok sa pintuan ng classroom kaya mas naging wild pa ang tili ng mga babae.

"WAAAHHHH!!!!"

"GGV BOYFRIENDS!!!!!"

"WAAAA----"

"GIRLS QUIET!!!!!" biglang natahimik ang mga girls dahil dumagundong ang malakas na boses ng teacher namin na si Sir Ernie.

Seriously? Si Sir Ernie ba yung tinitilian nila?!

"Tumahimik kayo girls.. Magiging kaklase nyo pa naman ang anak ng may-ari ng school natin.. Nakakahiya kayo." pagalit ni Sir. Buti nga sakanila.

Pero sandali.. Magiging kaklase ko ang anak ng may-ari ng Grand Grace Valley Highschool?!

OMG! I'm sure pogi yun! Halata naman sa tili ng mga mahaharot kong kaklase eh.

"Goodmorning guys!"

Halos natuod ako nang makita ko ang lalaking pumasok sa pintuan. Nakafull smile ito at maangas na kumakaway sa mga kaklase ko at kay Sir Ernie. May kasama pa itonv dalawang lalaki.

My Mortal Enemy (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon