CHAPTER 16

366 10 1
                                    

CHAPTER 16:

habang pauwi kami ay nagdadalawang isip ako akong kumbinsihin ang pandak dito sa gilid ko.

"hoy.." tumingin ito sa akin at takang nagtatanong gamit ang kanyang mga titig "huwag mong sabihin kay mamang wala tayong pasok bukas"sabi ko.

"bakit? gala tayo bukas" sabi naman nito umiling ako

"may gagawin ako.."sabi ko kaya tumaas ang kilay nito, kahit na minsan childish ito ay minsan din para itong mas matanda sa akin

"ano ba yun? sabihin mo sa akin ang gagawin mo maureen para pumayag ako"sabi nito at ngumisi "mag d-date kayo ni third?" tanong nya kaya lumaki ang mata ko

"H-huh!?" gulat kong tanong "hindi--" he cut me.

"i know na nahihiya ka umamin naintindihan kita, ganyan rin ako dati kay gella e" sabi nito at ngumisi sa akin

"bonak! hindi nga!"Singhal ko kaya tumawa sya

"so ano gagawin mo?"tanong nya.

"huwag kang maingay ha?" tanging tango lang ang sinagot nya. "mag tatrabaho kase ako" sabi ko kaya kumunot ang noo nito.

"huh? para saan?" Tanong nya.

"birthday kase ni mama bukas.." sabi ko at kumamot sa ulo "kailangan kong magka pera para kahut regalo ay may maibigay ako" sabi ko.

"huwag na." sagot nito kaya inis akong tumingin sa kanya

"hoy! bataaa! kailangan kase yun! kailangan kong handaan ang mama ko para naman maramdaman nyang hindi ko nakalimutan ang birthday nya! paano nalang kapag nagtampo yun?paano---" and then he cut me

"hindi mo kase naintindihan--" i cut him too.

"naintindihan ko ang ibig mong sabihin! pero kailangan ko yun jc! please sige na wag kanang maingay---" he cut me again.

"ako na bahala"

"--Alam mo naman na-huh? ano?" Gulat kong tanong

"basta mag pahinga ka nalang bukas, rest day tapos mag tatrabaho ka?bangag kaba?" tanong nito

"line ko yan" sabi ko kaya tumawa sya "hindi ko maintindihan..." Sabi ko

",basta" tanging sagot lang nito.

bumaba na kami ng kotse ng ipark nya ito sa harapan ng bahay namin kumatok pako ng pintuan Wala naman palang tao rito.

nasan si mama?

pumasok ako ng cr para mag bihis at ayusin ang sarili ko dahil mukha nakong nanay dito sa itsura ko.

pawis na kase ako at hagard na.

pagkatapos ay lumabas na ako napatingin ako sa batang kumag na nakain ng chocolate sa sala nakabihis na ito.

naka short syang itim at white na t-shirt.

"maureen tignan mo may bago akong biling chocolate!" sabi nito at masayang inilapit sa akin.

"makalat kang kumain nito dapat hindi puti yang suot mo" sabi ko ngumuso sya kaya dumagdag ang ka cute-an nito.

"okay nato" sabi naman nya

pumasok ako sa kitchen at kumuha ng tela at inilagay ito sa bandang dibdib nya para kapag natuluan ay ayos lang.

"bakit may ganito?" tanong nya

"para kapag natuluan" sabi ko naman tumango naman sya at pinagpatuloy ang pag kain nito ng chocolate

Damang dama pa nito ang bawat kagat sa chocolate.

ang hilig nya sa chocolate kaya sya nabubungi e, i mean hindi naman bungi talaga may bungi kase sya sa parteng gilid ng ngipin nya.

mayamaya ay dumating na si mama hapon na sya dumating at malamang ay nag part time job ba ito

ako na ang nag luto para naman hindi na sya mapagod at mag pahinga nalang ganon naman lagi ang ginagawa ko .

adobo ang ulam na iniluto ko hindi naman ako masarap mag luto for me hindi naman lahat ng niluluto ko ay masarap.

kung ano lang ang kaya ko, ayun lang ang ginagawa ko.

pag ka tapos kong mag luto ay agad ko itong inilagay sa lamesa.

"may pasok kayo bukas anak?" tanong ni mama

"op--" jc cut me.

"wala po tita" sagot nito

"--opo, i mean wala- yeah wala.." sabi ko kaya tumango si mama

nagsimula na kaming kumain at ganon din di mama nang matapos kami ay umakyat agad si mama

siguro ay dahil sa pagod kaya ganito at maaga syang inaantok ngayun

ganyan din ako kapag napapagod ay gusto na agad matulog, sino ba namanng hindi? best feeling ever kaya ang matulog kapag galing sa pagod.

hinugasan naming dalawa ni jc ang kinainan at talagang ang harot nito habang naghuhugas binabasa ba naman ako ng tubig, hinahagisan ako ng bula.

kaya ang nangyari ay para kaming basang sisiw ng matapos kaming mag hugas, tuwang tuwa pasya sa itsura ko mukha daw akong tanga.

medyo nakaka offend ang sinabi nya pero hayaan mona totoo naman.

sa kabilang banyo ito naligo sa kusina at ako naman ay sa kwarto ko.

hindi naman kami pwede mag sabay dahil malaki na ako at kahit bata pa sya at alam naman nating bukas na ang utak nya sa katarantaduhan.

pagkatapos ko ay nakahiga na ito sa higaan at agad ko itong hinampas ng unan

"aray!" daing nya kaya natawa ako

"usog! bansot ka naman kung makahiga ka sakop mo lahat" reklamo ko kaya tumawa sya na medy nainis.

"anong bansot?! hindi ako bansot ha" sabi nito kaya hindi ko nalang pinansin at humiga na

"tutulog kana?" tanong ko

"Ay hindi naglalaro pako" sarcastic nyang sabi kaya tinarayan ko sya "joke oo matutulog nako" sabi nya kaya tumango ako.

pumikit nalang rin ako ng pumikit nasya kase mukha nakong tangang nagsasalita kong kakausapin ko sya habang natutulog diba?

hindi ako makatulog, siguro ay may umiisip sa akin? sino naman kaya?

pangatlo..

nasampal ko ang sarili kong noo dahil sa pangalan ng unang lalaki lumabas sa kukute ko.

bakit naman ako iisipin non, kahibangan mo maureen.

isinantabi ko nalang muna iyon at natulog nalang.

++++++++

ONLY GIRL IN SECTION WILD| OGS#6 [COMPLETE]✓Where stories live. Discover now