LOVE IS JUST A WORD

2.8K 53 17
                                    

Nakaupo ako sa ilalim ng puno. May papel sa harapan. Kinakagat ko ang lapis na hawak ko sa kanan. Nakalapag ang gitara ko sa gilid.

"Ano ba naman 'to? Bakit hindi ko pa rin matapos-tapos 'tong kinokompos ko", sabay kamot ko sa ulo ko.

"Ugh. Mali. Hindi bagay! Kainis". Panggigigil ko.

"Ulitin ko nga . Ay wait! Baka nagteks si bespren". Tiningnan ko ang phone ko. No message :(

"Bakit kaya hindi na 'yon nagteteks? Dahil ba sa nangyaring gulo last time? Hay ewan, erase muna"  Napayuko ako at alam ko na kung ano 'yong ipapatong ko na lyrics.

Ayy siya nga pala guys, gals o ano pa dyan, hindi pa pala ako nagpapakilala. I'm Ylona Jade Garcia. I'm half-Filipino and half-Australian. Mahilig akong kumanta at maggitara. Halata naman  'di ba?

So heto ako, konting pagpapakilala pa ng sarili ko. Hehe. Life? Ang life para sa'kin puro challenges, struggles at higit sa lahat problems. Pinamamature tayo ng mga pinagdaan o pinagdadaanan natin. Sabi nga nila, wala sa age ang pagmamature pero heto ako wala pa ring malaking challenges, struggles at problems sa buhay. Happy go lucky kasi akong tao. Wala akong pakialam sa sinasabi ng iba, maganda man ito o masama. Showy din ako sa parents ko. Open sa mga crush crush at konting problems. Madaldal din ako pero honestly, hindi ako palasagot na anak. Ayoko kasi ng gulo. Ako kasi 'yong tipo ng tao na konting mali nagsosorry. Kapag may nag-eeffort sa'kin nagthathank you ako.

Hindi din ako mapili sa kakaibiganin. Palakaibigan ako. Tanggap ko ang weaknesses and strengths nila. Wala akong kaaway. Vibes ko ang lahat ng mga kaklase ko. Sabi nga nila, kapag minahal mo ang isang tao ng buo mamahalin ka rin nila ng buong-buo.

Kaya nga ako nagkokompos dahil sa mga taong nakapaligid sa'kin. Dyan ko kinukuha ang mga hugot lines. Ang mga naririnig ko na problems nila. Kesho ganito, kesho ganyan. Achuchuchu. Mga kaOAhan nila pero dahil sa naririnig ko sa kanila o kinikwento nila may nabubuo akong kanta.

"Hoy girl!". Makatulak naman 'to sa'kin si Ryan, napakawagas.

"Huwag ka ngang manggulat"

"Ano 'yan ha?", sabay kuha niya ng papel na hawak-hawak ko. "Ibigay mo na nga 'yan"

"OA! Babasahin ko lang, ............ Poem na naman?"

"Hindi 'yan poem, compose ko ulit 'yan"

"Para kanino? Para ba kay boyfriend o bestfriend?"

"Bigay mo na nga 'yan"

"Oh oh! Kainin mo. Kainin mo!". Makaduro naman 'tong Ryan na 'to sa pretty face ko.

"Hm! Para sa self ko 'to no. Period. Tuldok. Comma, padamdam pero walang question mark"

"Babe!!!".

"Anong ginagawa ng mokong na 'to dito?", ani ko sa sarili ko. Nagkatinginan kami ni Ryan pero ang tingin nya panukso-nukso pa. Napatayo ako sa kinauupuan ko. "Bakit babe?"

"Sama ka muna babe", sabay hatak niya sa'kin. Hawak-hawak niya ang kamay ko. Tumatakbo kami habang nasa likuran niya ako.

"Sa'n ba tayo pupunta ha?"

"Basta"

Love is just a word (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon