Masaya Ako

385 18 0
                                    

Bailey's POV

"Best, Ylona ... Will you be my girlfriend?"

Nagkatinginan kami nina Ryan at Kenzo. Ngumiti ako sa kanila.

"Uhm, guys, cous, alis muna ako"

"Nasasaktan?", pabirong tanong ni Ryan sa'kin.

"Nope. May kukunin lang ako sa locker"

Umalis nga ako at dumiretso sa locker.

I don't know if sinagot siya ni Ylona pero para sa'kin magiging sila talaga.

Napaupo ako hagdan. Napaisip.

"Cous!!"

"Oh Z, ba't ka nandito?"

"Umalis ka kasi ayaw mong marinig 'yong sagot na oo ni Ylona sa kanya no?"

"Tange"

"Hoy—", sabay hampas niya sa'kin. "Anong tange? Ang sama mo talaga cous", sabay upo niya sa tabi ko.

Natawa ako.

"Pero cous---". Yumuko ako.

"Oh ano? Tatanungin mo ako kung sila na?".

Napatingin ako kay Zonia habang nakayuko pa rin.

"Sinagot niya na?"

"Umalis ka kasi, sana tinigil mo tapos sabay sigaw na "ITIGIL ANG SAGOT!!!". Yon cous!". Binatukan ko siya. Nakakainis din kasi 'tong si Zonia.

Zonia's POV

Makabatok naman 'tong pinsan ko, wagas! Kulang na lang masubsob ang mukha ko sa sahig.

"Masakit ha", sabay hampas ko sa kanya.

Tumawa siya ng malakas.

"Sige, tumawa ka lang dyan pero I know na nasasaktan ka dyan"

"Nasasaktan? Sanay na ko do'n Z"

"Sanay? Wheeeee?"

"Oo nga. Kulet mo talaga Zonia no?"

"Uhm, seryoso na tayo cous, huwag kang mabibigla ha"

"ANO!?"

"Makasigaw? Hindi mo ko pinsan"

"Binibitin mo pa kasi e. Ano na? Sila na?"

Tumango ako sabay ngiti.

"Well, masaya ako para sa kanila"

"Hmmm? Totoo?"

"May halong kaplastikan 'yon Z kasi gusto ko maging mag-on kami ni Ylona pero anong magagawa ko kung mahal niya talaga si Franco? Beastfriend lang talaga ako at masaya na ko do'n"

Franco's POV

Yes! Sobrang saya ko.

Parang nanalo ako sa lotto ay hindi nanalo talaga ako sa pag-ibig.

Korni ko. HAHAHAHAH :D

Naglalakad kami ngayon sa hallway with Kenzo and Ryan.

Naghoholdings kami ni Ylona and katabi niya 'yong dalawa.

"Wala na bang sabit Franco?"

"Oo naman Ry no. Hindi naman ako mag-eeffort ng ganun kung may sabit pa"

"Siguraduhin mo lang tol kundi lagot ka sa'min"

"Ano ba kayo Kenzo, Ryan. Huwag niyo ng pagdudahan si Franco. May tiwala ako sa kanya"

"Huwag buo bunso ha, masasaktan ka lang sa huli"

"I know what I am doing Ken"

Bailey's POV

Naglalakad kami ni Zonia papuntang canteen ng makasalubong namin ang apat.

Nabaling ang tingin ko sa kamay nina Franco at Ylona na nakaholding hands.

"BAILEY MY BAE!!!", sabay pandidilat ng mga mata ni Ryan sa'kin.

"Congrats. Kayo na"

"Thank you panget"

CANTEEN ........

Katabi ko sina Zonia at Kenzo at out of place ako.

Magkatapat kami ni Ryan and katabi niya sina Ylona at Franco and as usual, op din siya.

"Alam mo Bailey my Bae, ligawan mo na lang kaya ako, no?".

Nabaling ang tingin ng apat sa kanya.

"Oh? Ba't naman kayo nakatingin sa'kin ng ganyan? I'm just kidding. Hindi ba Bailey my Bae?"

Napalungo na lang ako.

Zonia's POV

"Mga pinsan, uhmm, ito na siguro 'yong time na magkabati na kayo"

Nagkatinginan silang dalawa. Well, samaan ng tingin.

"Oh sige, game ako", pagmamayabang ni Franco.

"Oh sige, game rin ako", pagmamayabang din ni Bailey.

Hay naku, mga mayayabang tologo!!!

"Oh kamayan na kayo panget and say sorry sa isa't-isa", sambit ni Ylona.

"Sorry pinsan kung nadala ako sa temper ko", kalmadong sabi ni Franco.

"Pasensya rin kung nagalit ako sa'yo no'n pero wala na 'yon. Mahalaga pa rin ang pagiging magpinsan natin"

Tumayo silang dalawa at nagyakapan.

Masaya ako.

Sobrang saya.

"Franco, wala na ba talaga kayo ni Barbie?", tanong ko sa kanya. Umiba ang expression ng mukha ni Ylona.

"Wala na talaga cous"

"Ahhhh.. Edi GROUP HUG! TARA GUYYYSSS!!!"

Franco's POV

After that, niyaya ko si Bailey na lumabas ng canteen.

"Cous, bakit nandito tayo sa labas?"

"Uhm, sasabihin ko sana sa'yo na next sem dito na mag-aaral si Barbie"

"Bakit naman?"

"Alam mo kung bakit Bailey"

"Nakita ko kayo no'n na magkasama sa harap ng students affair. Nagduda nga ako e na baka kayo pa talaga"

"Yon? Nagkataon lang 'yon cous then nagkausap pero wala na talaga kami no'ng time na 'yon"

"May nabanggit sa'kin si Z na sinabi mo sa kanya na mahal pa rin ako ni Barbie"

"Tanungin mo na lang si Barbie kapag nagkita na kayo next sem"

"At tsaka nga pala, aminin mo na kasi Bailey sa sarili mo na ikaw 'yong nanloko dati hindi kami", dagdag ko pa.

"Cous! Wala akong ginawang mali"

"Bahala ka Bailey. Ikaw na nanloloko sa sarili mo"

Tumahimik siya at tumingin na lang sa'kin.

Love is just a word (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon