I Won't Give Up On Us

358 22 6
                                    

Ayun na nga, mas pipiliin ni Ylona si JK kesa sa kay Bailey. Pa'no na 'yan mga Bailona?

Pero sino kaya ang tuluyang lalayo kina Bailey at Ylona? Lalayo ang isa na makikita pa nila ang isa-t-isa o lalayo na ang isa na hinding-hindi na nila makikita pa ang isa't-isa?

~~

I dedicate this chapter to @malditang_beki ..Thank you sa votes bhe :)

ENJOY READING READERS!!!
#lalabyou #LIsJAW <3

Bailey's POV

Nandito ako ngayon sa labas ng bahay nina Ylona. Nasa loob ako ng kotse. Umaasa akong lalabas siya sa balcony nila. Nag-antay ako ng ilang minuto pero wala akong napala. Kinuha ko 'yong phone ko na nakapatong sa passenger seats. Teteks ko ba siya? Uhm, 'wag na lang siguro baka kasi who you lang ang mapala ko. Madadagdagan lang ang sakit na nararamdaman ko ngayon dahil sa mas pinili niya si JK kesa sa'kin. Epal talaga 'yon! E ako naman talaga ang mahal ni Ylona e kaso umeksa lang 'yon sa love story namin. Iniisip ko nga no'ng una na wala pa si JK, after sanang magkaalaman ng pagprepretend namin ni Barbie alam ko namang magkakagulo kami ni Ylona pero sa bandang huli makukuha namin ang happy ending kaso wala na. Wala na talaga dahil sa kaepalan ng kanong hilaw na 'yon.

Ylona's POV

Lalabas ako ngayon ng bahay, pupuntahan ko 'yong pinsan ko. Ilang bahay lang ang layo nila sa bahay namin. Bitbit ko 'yong gitara ko, as usual! Magpapaturo daw siyang maggitara dahil idol niya daw ako. Hahahahah .. Gusto niya din daw sumikat tulad ko pero para sa'kin ganun pa rin 'yong buhay ko. Hindi ko sinisink in sa isipan ko na ganun na ang buhay ko ngayon pero mas lalong nagbago dahil kay Bailey. Sinaktan niya ko. Paulet-ulet!

"Ylona!". Bw*sit!!! ..Kaasar . Si Bailey ba 'yon? Boses niya kasi 'yon.

Bailey's POV

Pagkakita ko kay Ylonang lumabas ng gate nila ay dali-dali akong bumaba ng kotse. Tinawag ko siya at himalang napahinto siya kaagad.

"Uhm, Ylona pwede ba ta---"

"Wala na tayong pag-uusapan pa", sabay na humarap siya.

"Alam na alam ko na 'yong totoo Bailey. So stop this stupid conversation", dagdag niya.

"E sino ba 'yong nagsasalita? Ako?". Tinaasan niya ko bigla ng kilay. Tumalikod siya at umalis kaagad.

"YLONA!!!!"

"ANO???!!!". Humarap siya. Hindi maipinta ang mukha niya.

"Sa'n ka pupunta?"

"Magjojogging". Taray ah? Hahahah ..

"Jogging? Sa ganitong oras?"

"Oo at wala kang pakialam. Hindi mo ko mapipigilan"

"Pabebe girl? Member ka din pala nila?". Biglang nainis ang expression ng mukha ni Ylona. Pumadyak-padyak siya ng dalawang beses pagkatapos ay umalis siya kaagad.

Ylona's POV

Bw*sit!

Bw*sit!

Bw*sit!

Susundan niya na lang ba ako? Kaasar naman 'to ho. I can't take this anymore. Huminto ako't humarap. May kamao ng namuo sa magkabilang kamay ko. Nanggigigil na talaga ako.

"Bakit mo ba ako sinusundan? We're not friends. We're strangers"

"Wooow teh? Strangers? Kakabanggit mo nga lang ng pangalan ko kanina e"

"STUPID!!!"

"DAHIL SA'YO!!! ...ANO BANG MERON SA JK NA 'YON KUNG BAKIT SIYA ANG PINILI MO???!!!"

Love is just a word (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon