KYLIE 'POV:”San tayo?”_Gel
”Sa restaurant sa dating kinakainan natin...”_Cyle
”ayoko...” malamig na sabi ko.
”Huh bakit?”_Sadie
”Gusto ko sa dating park...kung saan tayo naglalaro nong mga bata pa tayo.... puwede niyo ba akong dalhin dun?”
”oo naman”_Cyle
”Umm wait niyoko dito ah kukunin ko lang ang sasakyan ko”_Gel
tumango naman kami bilang tugon kay Gel.
”Sa dating park? saan yun?”_Venice
”Malayo yun dito...umm magkababata kasi kami....kaya dating park ang tawag namin dun”_Ashtine
”oh so ako lang pala ang bago sa inyo?”_Venice
”Hindi noh dalawa kaya tayo...”_Sadie
”Paanong nangyaring naging dalawa tayo ihh naalala ko lang transfer student ako nong grade 6 pa tayo”_Venice
”Transfer student din ako noh nauna lang akong pumasok sayo.”_Sadie
”Naalala ko non unang araw palang na nag transfer si venice naging trio na kayong tatlo”_Cyle
”Matagal na kaming magkaibigan ni Ashtine tapos nakilala lang namin si Venice sa online games”_ Sadie
”ay wow ha...”_Venice
”oh bakit totoo naman ah”_sadie
Tinatawanan ni Cyle at Ashtine ang dalawang nagtatalo maging ako napapatawa din sa kanila.
Habang nakatayo ako at nakangiti sa kanila napahawak nalang ako bigla sa ulo ko nang may maramdaman akong parang tumusok sa utak ko.
Hindi nila ako napansin dahil patuloy parin silang nagtatalo habang ang dalawa ay nagpipigil tawa sa kanila.
Tiningnan ko sila isa isa at parang wala akong marinig tanging mga bibig lang nila ang nakikita kong nagsasalita.
May iba't ibang ingay na naririnig ko sa tinga ko.
Tinakpan ko ito gamit ang dalawang kamay ko at pumikit.
Wala akong marinig... naramdaman ko nalang na madaming kamay ang humawak sakin.
Hindi na ako dumilat... nakapikit lang ako habang ang kamay ko ay nakahawak parin sa tinga ko.
”KYLIE!! KYLIE!!!” sa diko malamang dahilan bigla nalang bumalik ang pandinig ko at naririnig kona ngayon ang mga boses nila.
”Anong ngyari sayo Kylie okay ka lang/ may masakit ba sayo?? anong nararamdaman mo/ dalhin na natin siya sa hospital....” sabay nilang sabi.