Hi I'm Kylie Jethro Witara 19 y'old Senior student in Art School, medjo may kalayuan ang school ko kaya nandito ako ngayon sa gilid ng kalsada para maghintay ng school bus na masasakyan, Hindi kasi kami mayaman gaya ng inaakala ng iba, sakto lang kami hindi mahirap at hindi rin mayaman....
”Sabay kana sakin seguro mamaya pa darating ang bus na sinasakyan mo” rinig kong boses na nagsalita sa tabiko kaya naman agad akong lumingon dito
”Hoy Gel! ikaw pala, kilan ka dumating? e tika bat pareho tayo ng uniform dito ka rin ba mag aaral?”
Magsasalita na sana ito ng may biglang humintong sasakyan sa harap namin
”Gel! bilisan mo pasok kana malalate kana!” sigaw ng mama ni Gel na nasa loob ng sasakyan
”Opo Ma, umm ano Kylie sasabay kaba?” _Gel
”Hindi na sumakay kana baka mapagalitan kapa ni tita” saad ko sa kanya
”Segurado kaba?”_ Gel
Sasagot na sana ako ng biglang dumating si Sheila
”Kylie bakit hindi mo sinasagot ang taw-” napatigil ito sa pagsasalita ng makita niya si Gel na nakatayo sa tabi ko
Tumingin naman dito si Gel at tumingin ulit sakin.
”Hoy Kylie sasabay kaba sakin?”_ Gel
Tumingin ako kay Sheila na ngayon ay nakatingin kay Gel.
”Hindi na maaga pa naman...sige pumasok kana sa sasakyan niyo tingnan mo si tita oh naiinis na” smile na saad ko sa kanya
”umm sige kita nalang tayo sa school ah” usa nito at tuluyan ng sumakay at pinaandar na ng mama niya ang kotse nila
”Sino siya?” napalingon ako kay Sheila na ngayon ay pinagmamasdan ang sasakyan nila Gel na papalayo na.
”Ah si Gel kaibigan ko since elementary...”
”Pogi niya...” nakangiting saad nito habang nakahawak sa dibdib niya ”oyy Kylie ambilis ng tibok ng puso ko ramdam na ramdam ko” dagdag pa niya
”Tss! Baliw!” saad ko at saktong huminto ang bus sa harapan namin kaya agad na akong sumakay dito
”Hoy hintayin moko...ito parang hindi kaibigan ah nang iiwan”_Sheila
Hindi ko na ito pinansin at agad ng umupo sa may bakanting upuan baka kasi maupuan pa ng ibang students mahirap pa namang tumayo
Pagkaupo ko agad ko ng sinuot ang headphone ko at sumandal sa may upuan sabay pikit ng mga mata ko
Napamulat nalang ako ng tinanggal ni Sheila ang suot kong headphone
”Ikaw nga lang kasama at kakilala ko dito sa loob ng bus naka-headphone kapa jan” saad nito habang nakatingin sakin
”Sino ba kasing may sabing sumakay ka ng bus? may kotse naman kayo ah” seryusong saad ko
”Bad mood ba siya?” rinig kong maliit na sabi nito pero diko na iyon pinansin
”Wala kasi yung driver ko kaya para narin makasabay kita nag bus nalang ako” nakangiting saad nito kasabay na sumandal sa balikat ko habang ang kamay niya ay mahigpit na nakahawak sa braso ko
Umangat ito ng ulo sabay kalas at hinawakan ang magkabilang pesngi ko.
”Ayaw mo ba akong makasabay ha?” pa baby itong nakatingin sakin
Hindi naman ako makakibo at hindi makatingin ng deritso sa kanya.
”Bakit hindi ka makatingin sakin?” pangungulit nito habang pinipilit na tumingin ako sa kanya