Chapter 26

167 1 0
                                    

Rixia's POV

Tama nga ang kutob ko kanina!

"Anong ginagawa niyo dito!? Mga epal kayo eh noh!? Kita nang nagmo-moment kami tapos mang-gugulo lang ang isang pesteng tulad niyo!?" Inis na sigaw ni Celline...

"Hahaha! Don't worry little rat. Alam na namin yan MATAGAL na.." Pang-iinis nung babaeng mukhang mangkukulam na pinagdiinan pa ang salitang 'matagal'.

"Pwes! Umalis na kayo! Ano bang kelangan niyo!?" Tanong ni Berniz.

"Well, simple lang.....Ang patayin kayo!" Sagot nung babae. Malamig namang nakatitig saakin yung lalakeng mala-oppa sa gwapo pero masama naman ang ugali!

"At bakit mo naman kami papatayin!? Ano bang ginawa namin sayo ha!?" Marianne.

"Alam na namin na siya ang prinsesa at kayo ang mga fairies niya!" Sagot niya. Tss! Pero wala na sakanila ang atensyon at paningin ko dahil lahat yon ay nasa lalake lang...Para siyang may ipinahihiwatig na hindi ko malaman kung ano!

"Ano bang pinagsasabi mo!? Baliw ka na ba!? Anong prinsesa!? Anong fairies!? Hindi ka namin maintindihan!" Marianne.

"Wag na kayong magmaang-maangan pa! Narinig namin ang lahat ng pinag-usapan niyo mula kaninang nag-aayos kayo ng mga decorate na yan! May powers kayo at ang mas nakakagulat pa eh ang pangalan niyo ay isa sa HACBM!" Nabaling ang tingin ko sa babae ng sabihin niya yon....

"Diba love?" Tanong niya pa sa lalakeng cold at parang linta na kumapit sa braso ni cold guy. Mabilis namang winaksi nung lalake ang kamay nung babae kaya inis itong humarap samin. Mukhang samin pa ibilubuntong ang galit neto ah?

"Ano!? Bakit hindi kayo makasagot!?" Galit na tanong niya.

(HACBM MEANING----H for Hannah, A for Allira, C for Celline, B for Berniz, and M for Marianne. Sila ang LEGENDARY FAIRIES NG PRINSESA. Hindi pa nakasama ni Rixia ang dalawa dahil noon palang ay pinagbawalan na ng mga gods and godesses sina Hannah at Allira na samahan ang prinsesa dahil sila ang magsisilbing bantay ng apat. Sa lahat ng oras ay nakabantay lamang ang dalawa at ipinamamagitan sa mga dyos at dyosa ang lahat ng kanilang nakikita. Alam ng buong immortal ang tungkol sa HACBM kaya nagawang itago nila Marianne ang kanilang totoong pangalan. Dahil walang sinuman ang mag-lalakas loob na gayahin ang pangalan ng mga legendary fairies. Kaya.....Hintayin natin sila dahil malapit na natin silang makilala)

Alam ko ang tungkol kila Hannah at Allira. Pero kahit man lang sa litrato ay hindi ko sila nakikita. Kahit na hindi ko pa sila nakakasama, ayos lang. Mahal ko din sila.

"Hey! May kausap pa ba ako!?" Yung babae. Nakita ko namang palihim na naglabas ng espada gamit ang kapangyarihan ang mga kaibigan ko. Kaya ganon narin ang ginawa ko.

"What!?" Inis nang tanong nung babae pero hindi namin siya pinansin. Nagkatinginan pa kaming apat at nagtanguan. Napangisi nalang ako. 3rd time na madudungisan ang lupain koo!!!! Taaaee!!

Mabilis na kaming sumugod sakanila. Pinagtulungan ng tatlo yung babae habang ako ay nasa lalake. Patuloy ko siyang inaatake pero iwas lang siya ng iwas at hindi man lang ako ginantihan! Naglabas ako ng fire power para ihagis sakaniya pero sinalo niya lang iyon gamit ang dark magic!

Limang beses ko siyang pinatamaan pero panay parin ang iwas niya! Napakabilis niyang gumalaw na para bang bampira!

Nahinto ko lang ang pagbato ng fire ball ng hindi ko na siya makita sa harap ko! Lilingon na sana ako sa likod ng biglang may mainit na hiningang dumampi sa leeg ko! Gulat ko siyang tinignan at ying lalake lang pala! Sisipain ko na sana siya ng bigla niya akong yakapin ng mahigpit! As in mahigpit mula sa likod ko!

"What do you need?" Malamig kong tanong.

"You" Malumanay niyang sagot na sobrang lapit na talaga ng labi niya sa leeg ko!

The Long Lost Powerful Princess was the Gangster and Mafia Heiress Where stories live. Discover now