Continuation

136 1 0
                                    

Rixia's POV

"Anong oras daw?" Tanong ko.

"Mamayang 3:00 p.m, sa Crown Kingdom queen" Agad na sagot sakin ni Berniz na ikinatango ko naman.

"Bat mo naman natanong Rixia?" Takang tanong naman ni Marianne sakin.

"Pupunta kayo dun diba?" Tanong ko ulit na hindi man lang pinansin ang tanong ni Marianne sakin.

(A/N: Puro tanong ah? Haha!)

"O-oo" Sagot naman ni Celline.

"I'll go with you" Seryoso kong sabi.

"Ano? Rixia....Mas mabuti nang dito ka---"

"I will come with you if I want to" Seryoso ko talagang sabi...

"Pero lead---"

"Gusto kong makita ang reaksyon nila kung sakaling ako man ang nandoon at ako ang ipinapakilala ng mga magulang ko bilang anak nila" Putol ko sa sasabihin ni Celline kaya natigil silang tatlo. Napayuko ako dahil don.

"Rixia..." Nasabi nalang ni Marianne kaya napa-angat ako ng tingin at nginitian sila ng peke. Pero siyempre hindi ko pinahalata yun.

"Ayos lang naman. Ano ba kayo" Nakangiti kong sabi kaya nakahinga sila ng maluwag.

"Ah sige queen. Pero...Sure ka ba na sasama ka samin?" Berniz. Tumango lang ako.

"Okay....Pahinga ka na ulet lead. Bye!" Huling sabi ni Celline bago sila maglaho.

Isinandal ko muna ang likod ko sa headboard ng kama na toh habang hinuhulaan kung ano ba ang mangyayari mamaya. Kung ano ang sasabihin ng mga magulang ko...

I really want to cry. But I need to be brave for the whole immortal world. Kahit na masakit para sakin at kahit na mahirap ang sitwasyon....Kakayanin ko parin. Ang sabi nga sa mortal world. 'Walang binibigay ang diyos na pagsubok na hindi mo kayang lagpasan'.

And one more thing....I know that I am not alone because my friends and the gods and goddesses are there....

Bumuntong hininga na muna ako bago dahan-dahang tumayo.

Sinubukan kong mag-teleport, pero ayaw talaga! Pati ba naman yun hindi kaya ng konting lakas ko? Hayst!

Binuksan ko nalang ang pinto at tinahak ang mahabang hallway na toh. Gusto kong magpahangin ulit....Kaya sana lang, wag nang magpakita pa ang pesteng impostora na yon!

Habang naglalakad ako dito ay may bigla akong nakitang tatlong anino at may naririnig din akong nag-uusap. Paliko na kasi sana ako pero bigla kong napansin yun mga anino kaya natigil ako sa paglalakad at pinakinggan sila.

"Bwahahahaha! Tumigil ka nga Neyo!"

"Bakit? Ano bang ginawa ko?"

"Hahaha! Ang sweet niyo! Sana all"

"Hoy ikaw Shiela ah? Nagagaya ka na sa mga tao sa mortal world. Sana all ka diyan.."

"Psh! Parang hindi ko nakita kanina sa kwarto mo na nagti-tiktok ka! Renegade pa more....Sumayaw pa ng binibining marikit at chinita girl.."

"H-hindi ba pwedeng na-miss lang?"

"Na-miss daw"

"Teka---Lesley?" Banggit ni Alex sa pangalan ko ng makita niya ako. Tama kayo....Sila Alex, Shiela at Neyo ang naririnig kong nag-uusap.

"Kamusta na? Balita ko nanghihina ka daw?" Shiela.

"Suss! Balita balita....Ang sabihin mo, chismis!" Alex.

The Long Lost Powerful Princess was the Gangster and Mafia Heiress Where stories live. Discover now