Chapter 31

152 0 0
                                    

Marianne's POV

Kinakabahan kaming tatlo dito habang nakatingin sa nurse na gulat ang mukha! Ano bang sinasabi niyang patay!?

"N-nurse.....Hindi ka po namin m-maintindihan. Sino po ang p-patay?" Utal-utal na tanong ni Berniz.

"S-siya! Hindi na s-siya humihinga!" Nagulat kami sa sinagot niya at nakaturo pa kay Rixia! Anong!!!! Hindi pwedeee!!!

"Wag ka ngang mag-sinungaling!!" Sigaw ko dahilan para magitla silang tatlo!

"Panong patay!? Nasisiraan ka na ba ng bait ha!? Hindi pwede yon!" Galit kong sigaw! Kelangan ko talagang maka-usap ang mga gods and godesses.

"S-sorry....Pero h-hindi na talaga siya h-humihinga. Pati ang p-pagtibok ng puso niya t-tumigil na.." Utal at kinakabahan niyang sabi. Bumuntong-hininga ako ng malalim bago siya tignan.

"Umalis ka na" Seryosong sabi ko na ginawa niya naman agad.

"M-marianne...A-anong gagawin natin?" Tanong sakin ni Berniz.

"Alam kong hindi pa pwedeng mamatay si Rixia dahil kelangan siya ng immortal world....Kakausapin natin mamaya ang mga gods and godesses" Sagot ko lang kaya napatango naman sila at nakahinga ng maluwag.

Nanahimik nalang kaming lahat habang sila Celline at Berniz ay nagce-cellphone at ako naman nakatitig lang kay Rixia.

Napatingin kami sa pinto at napatayo ng bigla iyong bumukas at sa hindi inaasahan...Tss! Ang royalties pa! At....Kasama ang hari at reyna ng Crown Kingdom. Anong ginagawa nila dito!?

Tumayo kaming tatlo ng maayos at yumuko bilang pagbibigay-pugay.

"Magandang gabi sainyo....Gusto lang sana naming bisitahin ang kaibigan niyong si....Lesley. Tama ba?" Nakangiting sabi ni Queen Roxanne. Tumango lang kami.

"Pwede ba namin siyang makita?" Tanong ng hari. Tumango nalang kami ulit at binigyan sila ng daan dahilan para makita nila si Rixia na mahimbing na natutulog pero wala ng heartbeat..

Nilapitan nila ito at may nilagay pang isang basket ng prutas si Ate Rei sa lamesa kaya napairap nalang kami...

"Bakit parang hindi na siya humihinga?" Napatingin kami kay Michael ng bigla itong magsalita! Nagkatinginan kaming tatlo at saka humarap ulit sakanila na ngayon ay nakatingin na rin samin.

"Hindi namin alam" Pagsisinungaling ko.

"I-ibig bang sabihin nito....P-patay na siya?" Tanong ni Queen Roxanne. Napayuko nalang kami dahil don. Alam kong hindi pa siya patay! Dahil hindi hahayaan ng mga diyos at diyosa na mawala ang tagapagligtas!

"Hindi" Sagot bigla ni Celline kaya sakaniya naman nabaling ang atensyon namin. Taka namin siyang tinignan kaya napairap siya. Hayss kahit kelan talaga napaka-taray niya!

"Ano ba!? Kung totoong patay na si lead, malamang sa malamang abo na yan ngayon! Magisip-isip din pag may time!" Iritang sabi niya kaya napatango-tango naman kami. Oo nga naman..

"Kung ganon....Bakit kaya hindi na siya humihinga? Sa tinagal-tagal kong nabubuhay dito sa mundong ito, ngayon lang toh nangyari sa isang immortal" Sambit ng hari. Hindi naman kami sumagot.

Nakikita ko sa mga mata nila ang pag-aalala lalong-lalo na sa hari at reyna.

"Pwede bang iwanan niyo muna kami dito?" Queen Roxanne. Tumango lang kaming lahat bago ulit yumuko at lumabas na ng clinic kasama ang royalties.

Tahimik lang kaming lahat dito habang yung iba nakaupo lang sa sahig at yung iba naman nagce-cellphone lang din katulad ko.

"Girls.." Tawag samin ni Celline kaya napatingin kami sakaniya. Pati ang royalties napunta ang mata sakaniya.

The Long Lost Powerful Princess was the Gangster and Mafia Heiress Where stories live. Discover now