"Before solving the problem, you should Identify the Given and Required Units, for example the speed of the car is 85 mph." Sinulat ni prof ang 'Given: 85 mph at Required: m/s sa white board. "After the identification you can now freely set up the Dimensional Analysis Equation," sinulat niya rin sa board ang equation.
Napabuntong hininga nalang ako bago tumungo. Hindi ko masyadong maintindihan ang lesson kahit na physics ang lesson, may kasama kasing mathematics kaya hindi ako masyadong maka focus tsaka hindi rin ako nakatulog kagabi kakahanap ng kung ano anong information.
"Mr. Nakamura, bakit ka natutulog?" Napatingin ako kay prof ng sitain niya si Toshi, nasa tabi na siya ni Toshi ngayon.
Kaya hindi ako umuupo sa harapan ng klase kapag si Professor Jireh ang teacher, e. Siya lang kasi ang Prof namin na palaging naninita.
"Inaantok ako," sagot niya.
"You are not in your house, you are currently sitting in my class. You should show your respect, mr. Nakamura."
Even though I couldn't see his face, I could freely imagine that he was yawning. Professor Jireh was right, he doesn't have any respect.
"Ahh... right." Tumayo si Toshiro tsaka kinuha ang bag niya, akma na siyang lalabas ng classroom nang biglang tumayo si Favro.
Nagkatinginan silang dalawa na para bang nag uusap gamit ang mga mata.
"Sit down," ani prof.
Tumingin si Favro sa suot niyang itim na field watch bago kunin ang bag niya. Napangisi ako ng na-realize ko na sasamahan ni Favro si Toshiro umalis sa classroom, mag bestfriend nga talaga sila.
"S-Saan kayo pupunta?! Mr. Nakamura Mr. Favro!" Sigaw ni professor.
Ang iba naming kaklse ay natatawa ang iba naman naiinis pero karamihan walang pakeelam, they are minding their own business while I watch those idiots make a show.
"May practice po kami sa baseball Professor Jireh. Malapit na ang finals, excuse kami ni coach," ani Favro inakbayan ni Toshiro si Favro tsaka sila lumabas sa classroom na para bang walang mga pakeelam.
Teka... nakalimutan ko! Nag offer nga pala 'yung coach nila na maging manager ako! Kaagad akong tumayo sa upuan ko, kinuha ko ang bag ko pati ang laptop.
"Saan ka pupunta?" Tanong ni professor. "Aba'y sunod sunod kayong umaalis ah, ano naman ang idadahilan mo ngayon?"
"Pupunta lang sa restroom, Prof," sagot ko.
"Dala ang bag?"
"Sa totoo lang Prof, pinapatawag po ako ng Coach sa baseball team."
Hindi ko na inantay na mag salita pa si Prof kaagad na akong tumakbo paalis, nang makalabas ako ng classroom napangiti nalang ako nang makita pa sila Toshiro na naglalakad sa hallway.
Patago ko silang sinundan, nagtatago lang ako kung saan saan na nakikita ko. Naririnig ko rin ang pinag uusapan nila na puro lang naman tungkol sa baseball, adik nga talaga sila sa sport na iyon.
"Kailan ka ba titigil?" tanong ni Favro kay Toshi.
"Hindi ko alam," sagot ni Toshi.
Hindi na nakaakbay si Toshi kay Favro, nakapamulsa si Toshi habang ang isang kamay ay hawak ang straps ng bag niya. Si Favro naman maayos na suot ang bag niya habang hawak ang gloves ng baseball.
"Naalala mo ba 'yung babaeng sinama ko kahapon?" Sadyang tumaas ang kilay ko nang sabihin iyon ni Toshi.
"What about her?" ani Favro.
BINABASA MO ANG
Sadistic counter
Mystery / ThrillerSadistic counter (summer trilogy 2) In a world full of darkness that surrounds different countries comes with consequences. Belle Alegra Glaria has been shrouded in darkness since her older brother died, making her one of the most wanted assassins i...