(Names and some of the scenes are not real in this chapter to avoid giving too much information)
-
-Nakakapagtaka hindi ba? Paano nga pala ako nahulog sa lalaking iniibig ko ngayon..
"Kailangan natin ng main character na lalaki at babae sa play natin, guys"
Ika ng aming presidente sa aming silid-aralan
"Si Dio na lang kaya sa lalaki?"
"Bagay, gawa din nung kulay ng buhok niya"Sabi ng dalawa naming kaklase. Oo, ang lalaking aking nagugustuhan ang kanilang napili na maging pangunahing karakter na lalaki sa aming pagtatanghal
"Sige si Dio na, sa babae naman"
"Bagay si Elai dyan eh, mahinhin kasi"
"Oo nga! Si Elai!"Oo, ako ang kanilang napili sa kadahilanang mahinhin daw paminsan ang aking kilos na tamang-tama sa gagampanan na karakter. At dito na nga nagsimula na mapalapit kami sa isa't-isa.
-
-Oras ng pageensayo namin noon, at sa tingin ko dito na nagsimula lumago ang aking nararamdaman.
"Maayos na lines mo, Elai?"
Tanong niya sa akin, kaya naman napabaling ang aking atensyon sa kanya.
"Hindi pa, inaayos ko pa. Ikaw ba?"
"Hindi pa rin, aayusin ko pa mamaya pagkauwi ko"Siguro, sa unting paguusap na iyon at kamustahan sa isa't-isa ang naging sanhi ng pagkahulog ko sa kanya. Tila ba ay nahulog ako sa hinukay niyang patibong.
YOU ARE READING
Eight Letters
RomanceA series of tagalog oneshot short stories as one-sided love were expressed through these stories. Unsaid feelings and admiration combined into a book. -oneshots by Zelle ♡