"Huy, Elai! musta ka na long time no see ah"

Naandito, maayos naman. Nakakakuha ng matataas na marka sa mga pagsusulit, nakikisama sa mga aktibidad ng paaralan, ngunit sa puso't isip, ikaw ang tanging laman.

Inaalala ang mga sandali kahit gaano kaunti ang interaksyon, ginugunita ang nakaraan noong tayo'y magkasama pa. Tila ba'y ayaw mong umalis sa aking isipan.

Oo, maayos ang aking kalagayan. Ngunit ako'y nangungulila. Kung iyong maitatanong kung sino, ikaw iyon, siyang tunay, wala nang iba.

"Huy, natulala ka na"
"Ay, ha? Ano ulit 'yon?"
"Tinatanong kita, Kamusta ka na?"

Narito, iniibig ka parin...

"Eto, maganda parin"

Biro ko sa kanya na siya naman ay napatawa na lamang. Matagal din kaming di nagkita kaya naman ay naglibot-libot din kami, kumain ng kung ano-ano at nagkwentuhan ng mga pinagdaan ng isa't-isa.. Ngunit tila ba'y parang hindi totoo lahat ng iyon

"Beh, gising uwian na"

Oo nga pala, narito parin ako sa aming silid sa kasalukuyang pinag-aaralan ko na paaralan, Isa lamang panaginip ang lahat na iyon.. Pero ang aking pagtingin sa kanya, ay tunay na naganap.

Ika-labindalawang araw ng Mayo sa taong Dalawang daan, dalawangpu't-apat nang ako'y magkaroon ng damdamin para sa iyo.. At walang nakaalam kung ito'y magpapatuloy pa sa hinaharap, Sa parehas na araw ko napagtanto-- na hindi ko masasabi sa iyong harapan ang walong lettra na may tatlong salita pero iisa lamang ang pagpapakahulugan.

At iyon ang salitang Mahal kita..

Eight LettersWhere stories live. Discover now