"Uy, aalis ka na? Lilipat ka?"

Huling araw na namin ngayong taon sa aming pagaaral at magtatapos na kami ng hayskul sa susunod na taon. Maaring hindi ko na makikita ang aking mga kaibigan, lalo na ang aking sinisinta. Sa kadahilanang maaring lumipat na ako ng paaralan.

"Hindi pa ako sigurado"

Sumbat ko sa tanong na sinambit niya kanina, masakit sa akin at paniguradong mangungilila ako sa mga taong nakapaligid sa akin sa mga nakaraang tatlong taon ko sa paaralang iyon. At panigurado ay hahanap-hanapin ko rin ang presensya niya sa aking lilipatan.

Sa aking pag-uwi sa araw na iyon, doon nagsimula na hanap-hanapin ko siya tila ba ay mababaliw ako kapag hindi ko siya maaninag. Sa puntong ako na mismo ang naiinis sa aking sarili sa kadahilanang, siya ang may sala. Ito ang pinaka-ayaw ko kapag ako'y umiibig, ang tila ba'y masyado na akong nahuhumaling sa taong aking iniibig. Kailangan itong matapos, hindi puwede ang ganito.

"Bakit? Ka naman lilipat?"

Napangisi na lamang ako at hindi na muling sumagot pa sa kaniyang mga tanong. Patawad.. Mahal ko...

Eight LettersWhere stories live. Discover now