Prologue

6 1 0
                                    

Napatalak na lamang ako ng aking mga dila sa inis dahil sa sobrang bagal umusad ng trapiko. Halos 30 minutes na yata akong nakahinto rito! Ang bawat segundo ay parang isang oras, at ang bawat tunog ng busina ay tila dagdag na bigat sa aking isipan. Nakadikit ang kamay ko sa manibela, mariing pinipigilan ang galit na pumuputok sa aking dibdib.

Tiyak na mapapagalitan na naman ako ng boss ko dahil late na ako. Well, the traffic wasn't the only one to blame, it's on me din naman. Late na ako nagising dahil sa hangover ko, kaya ngayon ay naabutan pa ako ng traffic. Sa bawat minuto ng pagkakaipit sa traffic, lalo akong kinakabahan at naiirita sa sarili ko. Nakaka-frustrate na isipin na ang isang gabi ng kalasingan ay nagdulot ng ganito kalaking problema.

Irish calling...

Pinindot ko ang answer button sa screen ng kotse ko. Tumunog ang bluetooth speaker, at agad kong narinig ang boses ni Irish na puno ng pag-aalala.

"Serene, where are you na? Galit na si Boss! Kanina ka pa niya hinihintay!" Bakas ko ang taranta sa kaniyang boses. Ramdam ko ang panginginig sa kanyang tinig, na para bang ako rin ay natataranta na.

Nakagat ko na lamang ang labi ko sa kaba. Kaba na baka pagdating ko ay mawalan na ako ng trabaho.

"Late ako nagising kaya naabutan ako ng traffic. Can you cover up for me, please?" I asked, desperation clear in my voice. Halos sumabog ang puso ko sa kaba, umaasa na baka matulungan niya ako.

"Girl naman, baka ako malagot nito—"

"Please? I'll buy you a purse pagkasahod ko!" Bahala na kung wala nang matira sa akin, basta't may trabaho pa akong dadatnan!

"Sige, yung Chanel purse ha! Kahit class A lang," mahinang aniya. "Teka, ano bang gusto mong sabihin ko?"

"Just tell him na nasiraan ako ng sasakyan."

"Will he actually believe that?"

"I can't think of any better reason."

She sighed. "Okay, just please... bilisan mo." And she hung up.

Telling my boss that I'm stuck in traffic would just make him question why I didn't leave the house earlier. This has already happened to me before, so I know what he would say. That's why there's a possibility that he'll kick me out of the company.

Humahangos na dumating ako sa company. Muntik ko nang makaligtaan na mag-log in buti nalang at pinaalala sa akin ni Renzo, isa sa mga katrabaho ko rito.

"Serene, they're waiting for you," he said, which I replied to with a smile. Ang pagod sa biyahe ay tila nawala sa isang iglap, ngunit napalitan ito ng mas matinding kaba.

Wait, what does he mean they?

"Omygod, Serene! You're finally here!" Nanlalaki ang mga matang lumapit sa akin si Irish, habang inaayos ang kuwelyo ng blouse ko. Ramdam ko ang pag-aalala niya habang inaalalayan niya ako papunta sa opisina ng boss namin.

Iba't ibang klaseng mga tingin ang natanggap ko mula sa mga taong nasa loob ng office habang nakahawak sa akin si Irish at inaalalayan ako papunta sa mismong office ng boss ko. Nakakapaso ang bawat titig nila, para bang may ginawa akong isang malaking krime

"Good luck," bulong nito.

I smiled. "Thanks for covering up for me."

Halos mangatal ang tuhod ko nang makapasok ako sa loob ng office ni Mr. Ferrer, my boss.

His eyebrows automatically raised after he saw me.

"Ms. Santiago, how many times do I have to tell you that I hate people who don't handle their time wisely?! Ilang beses ka nang na-late ah?! Where's your professionalism and work ethics, Ms. Santiago?!" Ang bawat salita niya ay parang kutsilyong tumatarak sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 06 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Night Stand with Mr.BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon