How To Request

867 17 2
                                    

July 5, 2015 | 8:27PM

Hi! Para po sa mga  nagre-request ng Book Covers para sa stories nila, here are simple steps you can follow. Madaling madali lang po ito.

First, kindly PM me your request. I won't entertain Message Board posts o kaya comments sa part na 'to. Do know that being private sa pag-request makes it more personal para sa'kin. Besides, it also allows both of us to actually converse, aside from merely having the requester-cover maker interaction.

Second, include the details you want for your cover. Be specific. If you want a certain font, tell me. If you want me to put your real name instead of your username, inform me. Just tell me what you need and how you want your cover to appear para bongga. But please don't expect too much from my galactic powers. Limited lang po ang kaya kong gawin.

Next, send me a photo of your desired background, if possible. Medyo busy rin po ako sa pagtuturo at pagsusulat ng sariling kong mga kwento. Hindi ko po priority and halungkatin ang buong Google Images world at iba pang sites para hanapin ang appropriate at desired cover photo background image niyo. It would be a lot of help kung kayo na mismo ang maghahanap. Pero kung hindi talaga kaya, at least tell me kung anong klase ng BG ang gusto niyo para mas mabilis tayo. (e.g.: a couple walking by the beach; sunset; blue sky; an infinity sign; people crossing the pedestrian lane; anything!)

Lastly, don't expect. Haha seryoso po. Katuwaan lang ang pag-open ko ng 'shop' na 'to. I only did this to help my friends with their book covers. Matagal ko na 'tong ginagawa pero private ko lang na sini-send sa friends ko ang mga covers. Minsan pa, hindi nila alam na ginawan ko ng cover ang stories nila. So, voluntary and act of random kindness siya. Kaya, mapapansin niyo naman na napaka-simple ng mga gawa ko. Kaya nga minimalist lang. Again, that's because I don't know Photoshop. Photoscape po ang gamit ko, a very user-friendly editing software you can download just about anytime. Don't expect na magiging kasing ganda at kasing bongga ang kalalabasan ng book covers na gawa ko nga mga may totoong graphic shop. MINIMALISTS lang po kaya ko.

That's all. Sana hindi masyadong mabigat sa part niya ang mga steps na 'yan. Maraming salamat po sa mga nagpagawa na ng covers at ginamit 'yung mga gawa ko. But be assured na hindi sasama ang loob ko if ever you decide not to use it anymore.

Fighting, Chingudeul!

Minimalist Book CoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon