Chapter 175

389 22 1
                                    


Kusang gumalaw ang isa sa mga nasirang sementadong pader. May isang nilalang na lumabas mula sa ilalim ng mga gumuhong pader. Si Blair. Magdungis na't may mga ilang galos sa katawan. Agad niyang iginala ang kaniyang paningin sa paligid upang malaman kung ano ang nangyari. Habang nasa loob pa siya ng selda ay bigla na lang siya nakarinig ng matinding pagsabog hanggang sa tuluyang nayanig ang mga kulungan sa nasa ilalim lang ng Palasyo.

Napasinghap siya nang makita niya ang matinding pagkasira na natamo ng Palasyo. Nakaukit din sa kaniyang mukha ang malaking gulat na mas dumami ang mga halimaw na naglipa. Malayang naglalakad at lumilipad sa paligid. Sa kabila ng mga nakikita, iniisip niya kung may mga nakaligtas pa ba sa matinding unos na ito? Marami bang nasawi sa matinding kaguluhan na ito?

Hindi niya alam.

Wala siyang ideya kung papaano niya matatakasan ito. Ang tanging naisip na lamang niya ay bumalik sa Kaharian kung nasaan ang katawan ng reyna ng mga bruha sa gayon ay malaman din niya kung ligtas pa ba ang lugar na kaniyang pinanggalingan. Lalo na ang mga kasamahan niyang naroroon.

Mabilis din siya napatingin sa bandang likuran niya na may narinig siyang tunog mula doon. Kusang gumagalaw din ang parte ng gumuhong pader. Napalunok siya. Kung hindi siya nagkakamali...

"Sa wakas! Naging malaya din! Hahahahahaha!" malakas niyang tawa habang itinaas pa ang mga kamay na nakakuyom ang mga palad. Malapad ang ngisi habang nakatingala sa kalangitan.

Tama, ang nakausap niya habang siya'y isang bilanggo palang. Si Fvyagi. Lumabas din mula doon ang kasama nito na si Dirus. Ang dalawang ito ay kasapi sa matataas na ranggo ng mga demonyo, sumunod sa pinuno ng mga demonyo. Hindi mawari kung sadyang nagpahuli ba ang mga ito para lumusob ang mgakalaban ng bansa na ito o sadyang malakas lang ba ang tao na dahilan upang bumagsak sila sa selda? O sadyang himala lang na nakalabas sila nang buhay?

Mukhang natunugan siya ng dalawa kaya agad ito tumingin sa kaniyang direksyon. Napalunok siya. Lumapit ang dalawa sa kaniya na walang kahirap-hirap! Napaatras siya. Pinagdilatan niya ang mga ito.

"Ikaw siguro ang narinig ko. Sabihin mo, isa ka bang manghuhula?" tanong ni Fvyagi sa kaniya na malapad pa rin ang ngisi.

Agad siyang umiling. "Hindi, ngunit nabanggit lamang sa akin ang propesiya." seryoso niyang sagot.

Ngumuso ito saka dahan-dahan tumango. Para bang pinoproseso pa sa isipan nito kung tama o mali ang kaniyang isinagot. Sa huli ay muli itong ngumisi. "Simula ngayon ay unti-unti nang natutupad ang mga pangitain mo, Binibini." saka muli itong tuwa na akala mo walang hanggan. "Sapagkat nakabalik na ang Panginoon ng mga demonyo."

Unti-unti nanlalaki ang mga mata niya. "P-panginoon ng mga demonyo...?" nanghihina niyang ulit.

Tumango muli ito. "Tama, na siya rin ang wawasak ang mundong ito. Bakit hindi ka na lang sumapi sa amin sa gayon ay..."

"Hindi ako maaaring sumama sa inyo." matigas niyang pagtanggi. Mas uunahin niyang umalis sa harap ng mga ito at umuwi na lang sa kaiyang pinanggalingan anuman ang mangyari!

"Mukhang wala tayo mapapala sa isang ito, Fvyagi." tamad na saad ng kasama nitong si Dirus, nakatingin ito sa malayo habang nakapameywang. "At isa pa, mas importante ay magpakita tayo ngayon sa ating Panginoon."

Kumawala si Fvyagi ng malalim na buntong-hininga. Tumayo na ito nang tuwid. Kusang lumabas ang mga pakpak ng mga ito at mabilis na tumalon paitaas. Lumilipad ang mga ito palayo sa kaniya. Pinapanood lamang niya ito hanggang sa nakahinga siya nang maluwag. Malaki ang pasasalamat niya dahil tuluyan na siyang nakalayo sa mga nilalang na 'yon. Dahil d'yan ay mabilis na siyang tumayo at nagpalayo na din sa lugar na ito.

I'm Born as an Eryndor! (Book 1-3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon