Chapter 182

428 18 1
                                    

Mabilis na binabaybay ni Theavia ang kahabaan at malawak na pasilyo ng Palasyo. Tulad ng utos ng kaniyang esposo na si Emperador Vencel, kinakailangan niyang iligtas muna ang kaniyang isa pang anak na si Rina, na kakambal din ni Rini. Habang patungo pala siya sa silid kung nasaan ito ngayon nananatili, binubuo na rin niya ang mga plano na sa kaniyang isipan. Naisip din niya na sa oras na nasa ligtas na lugar ang isa pa niyang anak na babae, kailangan naman niyang masiguro ang seguridad ng kaniyan mga apo kay Rini, ang magkakambal. Hangga't maaari din sana may may dumating isa o dalawa man sa kaniyang mga kasamahan na kapwa ding mga diyos at diyosa upang dagdag pwersa.

Subalit...

Biglaan ang paghinto niya sa pagtakbo nang biglang may sumulpot sa kaniyang harap! Ilang malaking alon na gawa sa itim na mahika! Agad niyang ini-krus ang mga braso niya upang maging panangga sa sarili nang matamaan siya nito. Mabilis siyang nagpakawala ng apoy na mahika upang ibalot sa kaniyang sarili bilang depensa mula sa pag-atake na iyon.

Walang emosyon sa kaniyang mukha nang tuluyang nawala ang itim na mahika sa kaniyang harap. Saka din niya naaninag ang bulto ng isang lalaki. Nasa bewang ang isang palad nito habang patuloy pa rin pinapalibutan ng itim na mahika ang paligid nito. Malapad ang ngisi nito nang nagkaharap silang dalawa.

Rinig niya ang pagbungisngis nito. "Mabuti na lang ay nahabol kita, Imperatris ng Cyan... O sabihin nating isa sa mga diyosa ng bansang ito, Theavia."

Nanatili pa rin ang blangkong ekspresyon sa kaniyag mukha. "Ano ang kailangan mo sa akin, kung ganoon?"

Nagkibit-balikat ito. "Ano pa nga ba ang dahilan kung bakit kami dito? Siyempre, para makaharap namin ang sinasabi nilang malalakas na Pamilyang Imperyal sa mundong ito." saka kusang naliyab ang apoy. imbis na kulay kahel ito, kulay itim ang lumabas.

Marahan siyang pumikit. "Wala lang panahon na makaharap ka, Barid. Masyado akong abala." malamig niyang sambit sa kaharap.

Malakas itong tumawa kahit wala naman nakakatawa sa kaniyang sinasabi. Nanlalaki ang mga mata nito pero hindi mabura-bura ang nakakalokong ngisi sa mga labi nito. "Pwes, gagawa ako ng paraan para mabigyan mo ng panahon na makharap mo!" saka mabilis na ibinato sa kaniya ang mga itim na nagliliyab na mga mahika sa kaniyang diretso.

Mabilis niyang naiwasan ang pag-atake na iyon sa pamamagitan ng paggamit niya ng teleport. Tumama ang mahikang opensang mahika na iyon sa kawalan saka malakas iyon sumabog.

Bigla lumipat sa mismong likuran ni Barid. Mabilis siya nitong nilingon. Balak na sana niyang takasan ito at ipagpatuloy ang kaniyang gagawin subalit mukhang mauudlot pa nga dahil muling nagpakawala ng mahika na pang-opensa sa kaniyang direksyon. Panay iwas niya. Pansin din niya na tila ayaw din siyang tigilan nito.

Kung saan mang direksyon siyang nasulpot, nakasunod din sa kaniya na pag-atake nito.

"Ayan lang ba ang alam mong gawin, Theavia? Ang umiwas ang umiwas? Ang akala ko ba ay isa ka sa mga diyosa? Bakit hindi mo ako magawang labanan ang isang tulad ko? Isa sa mga disipulo ng Panginoon ng mga demonyo? Minamaliit mo ba ako, ha? Baka nakalimutan mo, halos magkapantay ang abilidad nating dalawa?! Hahahahahah!" malakas nitong sambit habang patuloy pa rin ito sa pagpapakawalang opensa. Hindi niya rin maitindihan kung inuudyok ba siya nito o naaasar na dahil sa ginagawa niyang pag-iwas.

"Ah! Kung ang isa sa mga anak mong babae ang inisip mo, huwag kang mag-aalala, kasalukuyan siyang papaslangin ngayon ng isa sa mga alagad ko!Bwahahahahaha!" talagang nilakas pa lalo ang boses nito.

Medyo natigilan siya nang banggitin nito tungkol sa anak niyang si Rina. Dahil d'yan ay walang sabi na bigla siyang sumulpot sa mismong harap ni Barid. Punung-puno ng kaseryosohan sa kaniyang mukha, halos nanlalak ang mga mata at nawawala sa sarili na kinuyom ang kaniyang mga kamao habang nasa ere siya. Parang nagslowmo ang paligid. Kasabay na inagat niya ang isa niyang kamao. Magpapakawala siya ng isang suntok kay Barid.

I'm Born as an Eryndor! (Book 1-3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon