Devona POV
Nandito ako ngayon sa loob ng mala-palasyo na opisina na ako rin ang nagpapatakbo. Sawang sawa na ako sa buhay kong nandito lamang sa loob ng silid na ito. Wala akong ginawa kundi hawakan ang baril at paulit ulit na itutok sa may pinto. Kung sino ang pumasok ay syang kamalas malasang tatamaan ng bala at mababawian ng buhay. Matagal kong tinutok ang baril sa gawing iyon, ninanamnam ang kaangasan ng baril na hawak ko. Nang mangalay ang braso ay tsaka ko lamang binaba at nagpaikot ikot sa upuan ko. Hindi ako tumigil hanggat hindi ako nahihilo. Nang may biglang kumatok.
"Miss Devona Alcaraz," kanyang sambit habang kumakatok.
"Come in," habang patuloy sa pag-ikot ang silya ko.
Pinihit nya ang door knob at bumukas din ang pinto. Luminga linga sya sa loob ng opisina ko animo'y mangha mangha sa mga nakikita. May mga mukha ng tao, mga painting na puro itim lamang ang kulay, mapa ng Pilipinas, mapa ng mundo, mga espadang nakasabit sa pader at mga baril na kaninang kanina ko pa nilalaro. Kung sya ay titignan para syang batang nasasabik hawakan ang mga nakikita. Humahakbang sya papalapit sa isa pero ang ulo at nananatiling nakalingon sa kabilang parte ng silid.
"Hey, stop messing around," nakatingin lamang sa kanya.
Agad syang natauhan at bumalik ang wisyo. Napatingin sya sa akin na animo ay nakakita ng anghel. Tinitigan nya ang mata ko, at don ko lang din napansin ang kanyang itsura. Mata nyang singkit, matangos ang ilong, ang ganda ng pagkakakurba ng kanyang kilay, ang kanyang labi ay natural ang pagkapula, at ang buhok nyang walang kasing gulo. Maganda syang lalaki pasok sya sa standard ko.
"Sorry po, pinapasok na po ako nung guard dito ako na lang daw po magdala ng inorder nyong jollibee," tuloy tuloy sya sa pagsasalita habang nakangiti.
Napansin ko ang dalawa nyang biloy na napakalalim. Nakataas pa ang kanyang mga dala habang pinapakita sakin. Paborito ko ang pagkain sa jollibee, lalo na ang chicken joy, burger steak, fries, coke float, pati na rin peach mango pie. Sinenyas ko na ipatong nya ito sa lamesa ko kasi gusto ko na kainin ang mga dala nya. Ginawa nya nga iyon at ako na rin ang nagbukas. Pagkaamoy ko ay lalo akong nagutom at tumikim sa fries na kinuha. Inilatag ko lahat sa lamesa at pinagkatitigan lahat. Umupo sya sa harapan ko at parang may balak syang panoorin ako.
Una kong kinain ay ang chicken, inamoy ko muna ito bago kainin. Ganon ang ugaling nakasanayan ko, amuyin ang pagkain isusubo. Hindi nya inaalis ang paningin sakin, kaya inalok ko sya.
"Gusto mo?" mabait kong alok habang nakangiti.
"Ubusin mo lang, madam. Pakabusog ka po, pahingi na lang po fries," sagot nya sakin, ngumuso ako nang bahagya kasi ang kapal ng mukha nya kukuha nga sya sa pagkain ko.
Inilapit ko sa kanya yung fries.
"Tirahan mo ako ha, hati tayo," labag sa loob na sabi ko.
"Mukhang labag pa sa loob mo, madam. Kapag sumahod ako bibilhan kita isang bucket nyan," sagot nya sakin habang kinakain ang fries kox
"Okay," maikli kong sagot.
"Pwede magtanong po?" sabi nya.
Tumango ako bilang sagot.
"Saiyo po ba ito lahat?" tinuro nya pa ang paligid habang nagtatanong.
"Hindi, sa tatay ko 'to. Wala lang ako magawa kaya ako nandito." habang puno ang bibig kong sinabi iyon. Ganito talaga ako kumain kapag nasa loob, at hindi ako nahihiya sa nasa harapan ko. Sumulyap ako sa pangalan kong nakalagay sa unahan ng lamesa na kaninang pagpasok nya ay tinalikod ko para hindi nya malamang akin ito. Ugali ko iyon kapag gwapo ang mga nasa harapan ko.
"Alam mo ba po, madam. Gusto ko matutunan gamitin iyang mga baril, kasi kung di nyo po matatanong ilang beses na ako nabaril nang walang kalaban laban. Himala nga't buhay pa ako." mahaba nyang pagkekwento.
"Mayroon namang mga nagtuturo ng ganyan, bakit hindi ka mag-aral don?" nakatutok lamang ako sa pagkain ko.
"Marami po akong pinaggagastusan at wala po akong panahon para dyan," nakatitig sya sakin habang ako kumakain lang.
"Okay," maikli kong sagot.
"Ang tipid mong sumagot, madam. Buti na lang maganda ka, nakakatiis ako dito." sagot nya.
Patuloy lamang ako sa pagkain at hindi na nakipag-usap sa kanya. Nakatatak na sa utak ko na ilang beses na sya nabaril, tutal at wala akong magawa sa buhay ko. Hahanapin at babarilin ko ang mga iyon para maiganti itong lalaking ito. Ganito ang mga tinatrabaho ko, ang gumanti sa mga taong gumagawa ng masama. Masama ang ginagawa ko pero mas masama sila dahil sinasaktan nila ang mga taong walang laban.
Naubos ko na ang pagkain ko pero ayon sya at nakatitig pa rin sakin. Hindi ko alam kung bakit.
Pinanood ko syang abutin ang tissue at nabigla na lang ako dahil pinunasan nya ang labi ko."Mala-anghel ka nga po, ang amos mo naman kumain," nanlalaki ang mata kong napatingin sa kanya.
"Bakit ba kasi pinapanood mo akong kumain?" tanong ko habang nahihiya.
"Madam, wala akong ibang gagawin dito sa opisina mo kundi panoorin ka habang iniintay."
"Iniintay ang alin?" tanong ko.
"Bayad mo po, madam. Gutom na gutom ka ata at nakalimutan mo magbayad." nakangiti nyang sinabi iyon, animong nang-aasar.
Bigla akong nahiya dahil buong akala ko ay gusto lang nyang maupo at magpahinga.
"Here, keep the change." inabot ko sa kanya ang 1000 pesos.
"Nako, di ko po ito matatanggap masyado pong malaki ito."
"I insist, keep it. Thank you." umiiling pa ako sa kanya.
"Sige na nga po, pinipilit mo ako e," sabay lagay nya sa bag nya.
Napatingin ako sa kanya. Di ko naman sya pinilit.
"Nga po pala, Amias Loisaga." inilahad nya ang kamay at iniintay na makipagkilala ako sa kanya.
"You already knew my name, Devona Alcaraz," inabot ko ang kamay nya at nakipag shake hands
"Hindi bagay sayo po parang demonyo pakinggan, e mukha ka pong anghel." nakangiti pa sya na akala mo mababawasan yung pagkaoffend ko.
"Sabi nga nila," yon na lang ang sinagot ko.
"Bye, ma'am Devona, see you around." sinigaw nya iyon habang naglalakad sya palabas.
"You'll see me soon, apologizing now as I might shake things up for you." binulong ko na lamang wala akong balak iparinig sa kanya iyon.

YOU ARE READING
Devil in Disguise
Mistero / ThrillerIn a world where appearances deceive, a young man falls for a captivating girl with an angelic face. Unbeknownst to him, his newfound love is hiding a dark secret: she's involved in a series of crimes. As their destinies intertwine and their love de...