Dear Best Friend,
Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang sulat kong ito.
Ahm.. Gusto ko sanang magpasalamat sa lahat-lahat ng bagay na pinagsamahan natin.
Salamat dahil hindi mo ako iniwan sa panahong ako'y galit, malungkot o masaya.
Natatandaan ko tuwing pinapagalitan ako ni nanay, sa'yo ako lumalapit. Noong nagbreak kami ng dati kong girlfriend na si Mara ay ikaw ang naging takbuhan ko. Ang aking iniiyakan. Lagi mong pinapagaan ang aking loob lalo na kapag galit ako. Tuwing maglalabas ako ng sama ng loob ay ikaw ang mabilis kong nilalapitan. Kapag kailangan kong maging mapag-isa ay nandiyan ka pa rin. Maging sa saya ay hindi mo ako iniwan. Pagpasensyahan mo na kung maging sa dis-oras ng gabi ay nabubulabog ka sa pagpunta ko sa iyong silid. Maging sa mga panahong nae-excite ako tuwing nakakapanood o nakakakita sa mga babasahin na mga seksing babae.
Sana ay mapatawad mo ako.
Maraming salamat sa iyo kaibigan. Hanggang sa pagtanda ko ay hindi ko malilimutan ang lahat ng mga bagay na ito. Sana ay hindi mo ako iwan.
Nagmamahal,
CARLO
BINABASA MO ANG
Best Friend's Letter [one shot]
RomansaI just want to share these letters. Natutuwa kasi ako sa pagiging sweet ng magbest friend na ito. Sana ay makahanap din ako ng best friend na hindi ako iiwan hanggang sa huli. Ikaw, nakahanap ka na ba ng kaibigan na hindi ka iiwan kahit na anong m...