CHAPTER 1: The Old Woman

7 1 0
                                    

CRYSTAL's POV

"OH EM GEEE!!!!! KYAAAHHHH!!!"

"Oh my god girl?! Nakaavail ka!!!! Akala ko sold out na!"

Grabe ang tili namin ng bestfriend ko with matching talon talon pa sa sobrang saya.

Agad akong  pumunta sa standee ni Aamon at hinalik hinalikan ito sa pisnge.

I'm an ultimate fangirl ng nag iisang famous AAMON PARK!!! ng Seoul!!!

Halos mangiyak ngiyak ako sa sobrang saya , dahil last na open ko ng site Sold Out na yung ticket.

Tapos nagulat ako ng may mag back out Isa VIP pa talaga! Shit!!

Agad kong binili yung VIP ticket.

Malapitan ko ng makikita si Aamon!!

"Girl, punta tayo ng Kpop merch shop bukas, need ko na bumili ng bagong light stick for fancon."
Aya ko kay Mina.

"True ka Jan te!, di ko pa nga nabibili yung poster ni Lance na pinareserve ko."
Sagot nito..

Lance & Aamon kase is a sub unit, dalawa lang sila pero sila yung pinakasikat na popstar dito sa Korea.

Natigil kami dahil sa biglaang pagkatok sa dorm.
Nagdodorm kase kami ni Mina because were still studying.

Parents ko kase nasa province, ang parents naman ni Shin Mina nasa Canada.

It's 12am in the midnight sino naman kayang kakatok?

"Ikaw na mag open." Natatakot na Sabi ni Mina.

"Hayst ikaw na." Sagot ko, takot din ako e

"Delivery po! jjajangmyeon and fishcake!"
Nakahinga kami bigla ng maluwag.

"Shuta ka te nag order ka pala?"
Tanong ko dito, ngumiti naman siya Sakin.

"Nalimutan ko hehe, ikaw kasi! Palate late ka pa kase sa pagkuha ng ticket yan tuloy."

Binuksan ko ang pinto at parang humangin bigla ng malakas ng makita ko ang mukha ng delivery driver.

"Ang gwapo." Wala sa sarili kong sagot.

"Maam yung sukli nyo po." Tila nabalik ako sa ulirat.

"A-ah.. s-salamat po!" Nahihiya Kong Sabi sabay sarado ng pinto.
Narinig ko pa yung mahinang pagtawa nito bago ko sinarado ang pinto.

"Uy? Nagtataksil Kay Aamon." Pang aasar ni Mina.

Napaupo naman ako sa kama at binitawan ang mga supot na dala ko.

"Si Aamon padin, Pero.. bakit ang gwapo naman ata non?" Bagsak akong napahiga sa kama.

"Nevermind! KYAAAHHHH!!! Di pa din ako makaget over!  AAMONN!!"

--------------------------------------------------

Kinabukasan nagising ako sa pagtapik ni Mina sa pisnge ko.

"Uy te! Gumising ka na!, mauuna na ako sayo jusq late ka nanaman. Bahala ka Jan!" Agad akong napabangon sa higaan at tiningnan ang oras sa phone ko.

"Shet!? Late na ako!" Alala kong sigaw at bumaba na ng higaan ko.

"OA? Araw araw ka naman late hindi na bago sayo yon." Pambabara nito sakin.

"Hayst Ewan ko sayo mina umalis ka na!" Sigaw ko at agad na kumain sa kusina.

"Ito na nga oh aalis na, babush!"

Pag alis ni Mina agad akong dumiretso ng banyo para maligo.
After 30 minutes tapos na ako agad na mag asikaso.

Mr. Superstar Is My Romantic NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon